Mananampalataya, hinimok ng Obispo na gamitin ang taglay na Espiritu Santo laban sa kasamaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,924 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Office on Stewardship ang mananampalataya na gamitin ang ipinagkaloob na Espiritu Santo bilang bahagi ng katawan ni Kristo.

Ito ang mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes sa June 8 kung saan ito rin ay itinuring na kapanganakan ng simbahang katolika.

Ipinaliwanag ng obispo na bilang kabahagi ng katawan ni Kristo ay marapat na makiisa sa misyon ng pagdadala ng kaligtasan ng bawat isa sa pamamagitan ng paninindigan para sa kapakanan ng kapwa.
“Nasa atin ang kanyang Banal na Espiritu. Huwag na tayong maduwag na manindigan para sa buhay at karapatang pantao. Huwag na tayong mapipi na magsalita ng katotohanan. Huwag na tayo manghina na tumahak sa katarungan. Pakilusin natin ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na nasa atin,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.

Iginiit ng opisyal ang kahalagahan ng pagkilos ayon sa kaloob na Espiritu Santo para tutula ang anumang karahasan at mga pang-aabuso sa karapatan at dignidad ng mamamayan.
Gayundin ang mariing paglaban sa lumalaganap na misinformation, disinformation at fake news na sumisira sa dangal ng tao, institusyon at ginagamit na paraan para baluktutin ang katotohanan at kasaysayan.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo na mula sa unang Pentekostes hanggang sa kasalukuyang panahon ay patuloy na ipinahahayag ng simbahan ang kadakilaan ng Diyos at ang pagliligtas ni Hesus.
Paalala ng obispo na sa pamamagitan ng sakramento ng binyag at kumpil ay tinanggap ng mga kristiyano ang Banal na Espiritu na nagpapalakas sa espiritwalidad ng bawat isa upang humayo at magmisyon sa pamayanang kinabibilangan.

Ang Linggo ng Pentekostes ay ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostoles na ginugunita ng simbahan sa ika – 50 araw mula sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus at hudyat ng pagtatapos sa Easter Season ng liturgical calendar ng simbahan at pagsisimula ng karaniwang panahon

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 2,670 total views

 2,670 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 29,126 total views

 29,126 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 79,810 total views

 79,810 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 85,827 total views

 85,827 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 114,874 total views

 114,874 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top