Simbahan, nanawagan sa mamamayan na makiisa sa “Prayer Vigil”sa Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 118,866 total views

Inaanyayahan ng mga Pari ng simbahang katolika ang mga Pilipino na makiisa sa isasagawang prayer vigil simula June 09 hanggang 11 para sa impeachment trial ni Vice-President Sara Duterte.

Ayon kay Father Flavie Villanueva SVD, ang paanyaya ay dahil sa lantarang panghahamak ng opisyal sa konstitusyon ng Pilipinas kung kaya’t kinakailangan ang pagkakaisa ng mga Pilipino.

“Kaya hindi po natin ito dapat payagan, Jesus tells us I am the way the truth and the life, there could be no way when people start to corrupt what is the truth and there can be no truth when people start spreading lies and more importantly kung ang buhay po ay binabastos at tinutukhang we have to stand, the evidence is very clear, let it be seen, let the trial of Sara Duterte begin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Villanueva.

Ayon naman kay Fr.Saballa, sa pamamagitan nito ay tunay na maisusulong ang katarungan para sa mga Pilipino.
Sa pamamagitan din nito, ayon sa Pari ay magkakaroon din ng pagkakataon si Duterte sa pagsisimula ng kaniyang impeachment trial na mapatunayan ang kaniyang pagiging inosente mula sa paratang kung talagang wala itong katotohanan.


“Inaanyayahan po natin ang lahat ng mga Pilipino na magkaisa, huwag po nating ibaon ang hustisya magsumikap po tayong magsama-sama, magtulungan, simulan na po ang paglilitis at doon natin makikita ang mga ebidensya, kung meron pong ebidensya- it has to be it iconvict, at pag walang ebidensya ay siya po ay atin pontg i-acquit pero ngayon- ang kailangan natin ngayon ay hindi sa numero, ang kailangan natin simulan ang paglitis, simulan na nating kumilos,”

Ipinarating ito ng mga Pari sa pinangasiwaang punong talakayan ng TINDIG PILIPINAS! kasama ang kanilang miyembro na sina Mamayang Liberal Representative Leila De Lima, Akbayan Partylist President Rafaela david kasama ang mga non-government organizations at grupong naninindigan at nanawagan sa impeachment ni Vice-president Sara Duterte.

Ayon kay TINDIG PILIPINAS Co-convenor Kiko Aquinoo Dee, sa unang araw vigil ay magkakaroon ng ecumenical service para sa lahat ng dadalo na susundan sa ikalawang araw ng magdamagang prayer vigil at Jerick March naman para sa ikatlong araw sa pagbabasa ng impeachment complaints laban kay Duterte.


“Lahat po ito ay gaganapin sa GSIS building po natin sa Senado kasi ang panawagan po talaga natin sa Senado ay magampanan nila yung tungkulin nila sa ating saligang batas na isagawa na yung impeachment trial laban kay VP Sara, ginawa na ng taumbayan, ginawa na ng mga mamamayan yun papel natin maghain ng complaint pero yung senate yung nagpapatumpik-tumpik,”
ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Dee.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 17,062 total views

 17,062 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 190,996 total views

 190,996 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 168,629 total views

 168,629 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 232,253 total views

 232,253 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 250,827 total views

 250,827 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top