CMSP, nanawagan sa Senado ng pananagutan at katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,178 total views

Nanawagan ng pananagutan at katarungan ang mga relihiyoso at relihiyosa sa Pilipinas sa Senado sa nakabinbing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), kailangang manaig ang katotohanan, pananagutan at katarungan sa gitna ng mga usapin at alegasyon ng katiwalian at kawalang katarungan na kinahaharap ng bansa.

“Bilang mga kinatawan ng mga relihiyoso at relihiyosa sa Pilipinas, naninindigan kami sa panawagan ng sambayanan: simulan na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Sa harap ng mga isyung kinahaharap ng ating bansa, kailangang manaig ang katotohanan, pananagutan, at katarungan.” Bahagi ng pahayag ng CMSP.

Inaanyayahan naman ng CMSP ang mamamayan na makibahagi sa isinasagawang prayer vigil sa harap ng Senado upang ipanawagan sa mga Senador ang tuluyang pagsasagawa ng impeachment trial laban sa bise presidente bilang paninindigan sa pamamahalang may pananagutan at paggalang sa Saligang Batas.

Layunin ng tatlong araw na People’s Vigil mula June 09 hanggang 11, 2025 na ipakita sa mga mambabatas ang paninindigan ng taumbayan sa pagsusulong ng katotohanan at pananagutan mula sa katiwalian at pagtataksil ng mga lingkod ng bayan sa tiwala ng sambayanan.

“Hinihikayat namin ang mga kasapi ng Simbahan at ang buong sambayanan na makiisa sa pagkilos sa Hunyo 9, 10, at 11 sa harap ng Senado ng Pilipinas upang ipahayag ang ating paninindigan para sa pamamahalang may pananagutan at paggalang sa Saligang Batas. Ang pananahimik sa harap ng katiwalian ay pagtataksil sa ating misyon bilang mga lingkod ng Diyos at tagapagtanggol ng dangal ng bawat Pilipino. Tindig tayo para sa katotohanan at katarungan!” Dagdag pa ng CMSP.

Ayon sa TINDIG PILIPINAS na isa sa mga grupo nag-organisa ng pagkilos, sa unang araw ng vigil ay magkakaroon ng ecumenical service para sa lahat ng dadalo na susundan sa ikalawang araw ng magdamagang prayer vigil habang magsasagawa naman ng Jericho March sa ikatlong araw sa pagbabasa ng impeachment complaints laban kay Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 36,822 total views

 36,822 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 42,951 total views

 42,951 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 73,093 total views

 73,093 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 92,892 total views

 92,892 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 112,216 total views

 112,216 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 7,985 total views

 7,985 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 7,890 total views

 7,890 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top