Miss Universe winners, makikiisa sa YSLEP telethon 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,360 total reads

Hinihimok ng Caritas Manila ang mga Pilipino na makiisa sa Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP Telethon 2025 sa Lunes, ika-16 ng Hunyo na live na mapapakinggan sa Radyo Veritas at social media channels simula ala-siete ng umaga hanggang alas-sais ng gabi Ala-Siete ng umaga hanggang Ala-Sais ng gabi.

Ayon kay Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila, ang makakalap na donasyon ay gagamitin sa pangangailangan at pag-aaral ng YSLEP scholars ng social arm ng Archdiocese of Manila.

“Mga Kapanalig! kamusta na po kayo? Ito po si Fr.Anton, Executive Director ng Caritas Manila, inaanyayahan po namin kayong lahat- Luzon, Visayas, Mindanao sa nalalapit na Telethon, ito po ay annual Telethon ng Caritas Manila YSLEP Program, ang YSLEP Program po ay ang Youth Servant Leadership and Education Program ito po’y scholarship program ng Caritas, but it is not only a scholarship program, dine-develop po natin ang leadership ng mga kabataan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Inihayag ng Pari na layon ng YSLEP ng Caritas Manila na gamitin ang edukasyon na mabisang kasangkapan upang tugunan ang laganap na kahirapan.

Ibinahagi ni Fr.Pascual na bukod sa scholarship program ay hinahasa din ang leadership skills, pinapalalim ang pananampalataya ng mga kabataan at sinasanay sa paglilingkod sa simbahan at kinabibilangang komunidad.

“Kahit magkano po ang inyong nais na iambag ay mahalaga at makakarating para matulungan natin ang mga kabataan na mahihirap at deserving naman na magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng ating YSLEP Program ng Caritas Manila- Youth Servant Leadership and Education Program, Kita-kita po tayo, makinig po tayo sa darating na Lunes, June 16, 7am hanggang 6pm, pagpalain po tayo ng Diyos,” ayon pa sa panayam at paanyaya ni Fr.Pascual sa Radyo Veritas.

Makikiisa din sa telethon ang mga Miss Universe winners, runner-ups at maging ang mga kasapi ng Mr.Philippines. Kada taon, mula sa limang libong scholars ay hindi bababa sa isang libo ang napapagtapos ng YSLEP sa pag-aaral.

Nakaantabay din ang katuwang na ahensya ng Caritas Manila Scholars Alumni Association upang tulungan ang mga nagsisipagtapos na kagyat na makahanap ng trabaho bilang bahagi ng ‘enrollment to employment’ na paraan ng pagtulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,473 total reads

 33,473 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 70,087 total reads

 70,087 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,298 total reads

 88,298 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,626 total reads

 172,626 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,478 total reads

 208,478 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 21,115 total reads

 21,115 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top