Apat na diyosesis sa bansa ‘sede vacante’: Bishop Tala-oc, nagretiro bilang obispo ng Kalibo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,187 total reads

Inanunsyo ng Diocese of Kalibo na tinanggap ni Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang pagretiro ni Bishop Jose Corazon Tala-oc bilang punong pastol ng diyosesis noong Hunyo 16, kasabay ng kanyang ika-75 kaarawan—ang itinakdang mandatory retirement age para sa mga obispo.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang diyosesis kay Bishop Tala-oc sa kanyang 14 na taong paglilingkod, kung saan buong katapatan at pagmamahal siyang nakilakbay kasama ang mahigit kalahating milyong Katoliko sa lalawigan ng Aklan.

“Your years of service in the Diocese of Kalibo have been a true gift to us all. Through your steady leadership, deep compassion, and unwavering faith, you have guided the faithful with humility and grace. You did not just shepherd the diocese, but you walked with us, listened to us, and reminded us of the hope that comes with living the Gospel,” ayon sa pahayag ng diyosesis.

Inalala rin ng Diocese of Kalibo ang pamumuno ng obispo na, sa kabila ng mga hamong kinaharap, ay nanatiling matatag at nakikibahagi sa paglalakbay ng sambayanan—isang inspirasyon sa buong nasasakupan.

Si Bishop-Emeritus Tala-oc ay naordinahan bilang pari noong Abril 9, 1979. Noong Hunyo 2003, hinirang siya ni St. John Paul II bilang obispo ng Diocese of Romblon. Pagkatapos ng walong taon, itinalaga naman siya ni Pope Benedict XIV bilang obispo ng Kalibo noong Mayo 2011.

Kasabay ng kanyang pagretiro, itinalaga naman ni Pope Leo XIV si Capiz Archbishop Victor Bendico bilang apostolic administrator ng Diocese of Kalibo, na manunungkulan pansamantala hanggang sa maitalaga ang bagong obispo.

Sa ngayon, apat na diyosesis sa Pilipinas ang walang nakaupong obispo: Boac, Kalibo, San Jose, at Tabuk.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,887 total reads

 43,887 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,861 total reads

 93,861 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,732 total reads

 141,732 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,681 total reads

 245,681 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,542 total reads

 329,542 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top