Mga pari ng Diocese of Tagbilaran, nagtanim ng Narra tree

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,504 total reads

Nagkaisa ang mga Paring Bol-anon mula sa Diyosesis ng Tagbilaran sa pagtatanim ng mga puno ng Narra sa bayan ng Sikatuna, Bohol.

Inihayag ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na humigit-kumulang sa 90 Narra tree ang itinanim sa Sikatunarra Tree Park, na alay sa bawat obispo ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Bahagi rin ang gawain ng pagdiriwang ng Diyosesis sa Jubilee Year of Hope for the Environment at paghahanda sa nalalapit na retreat at ika-130 Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

“Each Paring Bol-anon from the Diocese of Tagbilaran planted a Narra tree in honor of a Catholic bishop in the Philippines. This symbolic act is in anticipation of the upcoming Retreat and Plenary Assembly of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP),” ayon kay Bishop Uy.

Sinabi ni Bishop Uy na sinisimbolo ng gawain ang makabuluhang hakbang ng Simbahan sa panawagan para sa pangangalaga at pagpapahalaga sa kalikasan, kasabay ng pagkilala sa mahalagang tungkulin ng mga obispo sa buhay ng sambayanang Katoliko.

Nagpapasalamat naman ang obispo sa suporta ng Pamahalaang Bayan ng Sikatuna sa pangunguna ni Mayor Jecjec Ellorimo upang maisakatuparan ang makakalikasang gawain.

“We are deeply grateful to Mayor Jecjec Ellorimo and the Local Government Unit of Sikatuna for their generous support in making this meaningful activity possible,” ayon kay Bishop Uy.

Una na ring kinilala ni Bishop Uy ang Sikatunarra Tree Park Project ng lokal na pamahalaan, na hango sa pinagsamang pangalan ng bayan ng Sikatuna at ng Narra—ang Pambansang Puno ng Pilipinas.

Layunin ng proyekto na magtanim ng daan-daang libong puno ng Narra sa mga bakanteng lupain ng bayan upang gawing malawak na tree park para sa mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 112,196 total reads

 112,196 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 188,396 total reads

 188,396 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 221,844 total reads

 221,844 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 257,143 total reads

 257,143 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 479,260 total reads

 479,260 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,830 total reads

 158,830 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top