Cardinal David, nababahala sa paglaganap ng legalized online gambling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,456 total reads

Nanawagan sa publiko at sa pamahalaan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa panibagong krisis na kinakaharap ng bansa.

Ayon kay Cardinal David, labis na nakababahala ang paglaganap ng legalized online gambling na pumipinsala sa buhay ng maraming Pilipino, lalo na ng mga mahihirap.
Sinabi ng kardinal na ang makabagong pagsusugal ay gumagamit ng recycled hardware mula sa mga ipinasarang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), at ngayo’y pagmamay-ari na ng mga lisensyadong casino operators.

Bukod dito, naa-access ito anumang oras at araw, mas kumikita kumpara sa tradisyunal na casino, at ini-endorso pa ng mga kilalang personalidad—na lalong nagpapadali na maabot ng mga Pilipino, kabilang ang kabataan.

“Victimizing—not foreigners but our own people… totally unregulated, wrecking the lives of poor people who get addicted to it,” pahayag ni Cardinal David.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na ang kawalan ng regulasyon sa mga nasabing pagsusugal ay naglalantad sa mga mahihirap sa panganib ng pagkalulong, pagkabaon sa utang, depression, at pagkasira ng pamilya—na nagpapalala sa umiiral na krisis sa kalusugang pangkaisipan.

Ibinahagi ng kardinal ang pahayag ng Panginoon mula sa ebanghelyo ni San Lucas na binabalaan ang mga taong sinasamantala ang kahinaan ng iba—katulad ng online gambling operators na nakikinabang sa pagkalulong ng mahihirap at kabataan, habang inilalagay sa panganib ang kanilang kalusugang pangkaisipan, pamilya, at kinabukasan.

“Jesus once warned those who cause the little ones in society to stumble: It would be better for him if a millstone were put around his neck and he be thrown into the sea,” ayon kay Cardinal David.

Panawagan naman ng Simbahan sa pamahalaan na magpatupad ng mahigpit na pamantayan o tuluyan nang ihinto ang operasyon ng online gambling sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 112,189 total reads

 112,189 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 188,389 total reads

 188,389 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 221,837 total reads

 221,837 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 257,136 total reads

 257,136 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 479,253 total reads

 479,253 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,829 total reads

 158,829 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top