Pope’s day mass, pangungunahan ng Apostolic Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,967 total views

Pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang Pope’s day Mass sa June 29.

Isasagawa ang banal na misa sa alas sais ng gabi sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Taunang ipinagdiriwang ang Pope’s Day tuwing June 29 kasabay ng kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo na kilalang haligi ng simbahang katolika kung saan ipinagkatiwala ni Hesus ang pangangalaga sa kanyang kawan.

Kasabay ng dakilang kapistahan ng dalawang santo ay pinararangalan din ang santo papa sa patuloy na pagganap sa misyong pagpapastol sa mahigit isang bilyong katoliko sa mundo.
Pangunahing tungkulin ng santo papa ang pagbuklurin ang sangkatauhan tungo sa landas ni Hesus batay sa habilin nito kay San Pedro ang kauna-unahang santo papang pinagkatiwalaan sa mga gawaing pagpapastol.

Sina San Pedro at San Pablo ay tinaguriang mahahalagang haligi ng pananampalatayang kristiyano na pawang ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing June 29.
Kay Pedro inihabilin ni Hesus ang simbahan sa lupa habang si San Pablo naman na kilala noong mang-uusig ng mga kristiyano ay nagbagong buhay at naging misyonerong nangunguna sa pangangaral tungkol kay Hesus sa iba’t ibang dako.

Si San Pedro ay ipinako sa nakabaliktad na krus sa Roma habang si San Pablo naman ay pinugutan ng ulo sa naturang bansa.
Mula kay San Pedro nahalal si Pope Leo XIV noong May 8, 2025 bilang ika – 267 santo papa ng simbahang katolika kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 20,258 total views

 20,258 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 90,371 total views

 90,371 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 164,985 total views

 164,985 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 245,063 total views

 245,063 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 287,394 total views

 287,394 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top