20-percent sa kabuuan ng national budget, nabunyag na napupunta sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,778 total reads

Umaapela ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER ng katotohanan at pananagutan sa pamahalaan.

Ikinababahala ng EILER ang pag-aaral ng World Bank na 20-percent o katumbas ng 1.27-trilyong piso mula sa national budget ay napupunta sa katiwalian at corruption.

Panawagan ng EILER sa pamahalaan na ilabas ang katotohanan sa national budget at mga pondong ipinagkatiwala sa mga ahensiya ng pamahalaan upang makita ng taumbayan kung paano ginagamit ang kanilang buwis.

Binigyan diin ng grupo na mahalagang gumagana ang mga mekanismo ng accountability at transparency upang mapanagot ang mga opisyal ng pamahalaan na lumulustay sa kabangbayan tulad ng kinakaharap ni VP Sara Duterte na impeachment case.

“Mahalaga na gumagana ang mga mekanismo ng accountability at transparency upang mapanagot ang mga opisyal na naglulustay ng kaban ng bayan para sa pansariling interes pati na rin ang kanilang mga kasabwat. Kaya naman ang impeachment trial laban kay Bise Presidente Sara Duterte ay nararapat na magpatuloy upang matukoy kung nagamit sa korapsyon ang confidential funds ng nasabing opisyal at matanggal sa pwesto kung ito ay mapatunayan.”

Ang 20% datos ay mula sa mga pag-aaral ng World Bank na katumbas ng 1.27-trilyong pisong halaga na napupunta sa korapsyon na ayon sa EILER ay dapat inilalaan sa batayang serbisyo para sa mga Pilipino.

Tinukoy ng EILER ang katiwalian sa pagpapatayo ng 750,000 economic housing unit sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas gayundin ang programang pangkalusugan ng mga mahihirap.

“Kung ang halagang ito ay magagamit sa serbisyo publiko, doble pa ito sa kabuuang out-of-pocket health expenditure ng lahat ng mga Pilipino na umaabot noong 2023 sa halagang 639 bilyong piso. Dahil sa mahal ng gastusin sa pagpapaospital at gamot, napipilitan ang mga naghihikahos na Pilipino na umapela ng tulong mula sa mga politiko na maaari nilang maabot (hal. Guarantee letters, cash assistance),” bahagi pa ng mensahe ng EILER.

Noon pang 2015 sa naging Papal Visit ni Pope Francis sa Pilipinas, umaapela ito sa mga politiko at mga lider ng pamahalaan na tuldukan na ang laganap na corruption sa bansa na naging sanhi ng dumaraming naghihikahos at nagugutom.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 74,416 total reads

 74,416 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,767 total reads

 152,767 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 186,215 total reads

 186,215 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,512 total reads

 221,512 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 445,040 total reads

 445,040 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top