Caritas Philippines, nanawagan ng suporta sa Alay Kapwa anniversary benefit concert

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,968 total reads

Muling inaanyayahan ng humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan na suportahan ang isasagawang benefit concert bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Alay Kapwa.

Ito ang “Pagdiriwang ng Pag-asa: The Alay Kapwa 50th Anniversary Benefit Concert” na inihahandog ng Caritas Philippines, na gaganapin sa July 8, 2025, Martes, alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tampok sa gawain bilang main performers ang OPM band na Ben&Ben, na ang mga vocalist na sina Paolo at Miguel Benjamin Guico ay una nang pinili bilang bagong mission advocates ng Alay Kapwa.

Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, malaking tulong ang presensya ng Ben&Ben upang makahikayat ng mas maraming tagasuporta, lalo na mula sa mga kabataan, para sa adhikain ng Alay Kapwa.

“Pinagpala kami ng Diyos. It is a gift from God — itong Ben&Ben — na sila ang aming magiging main performers. Because of that sila ‘yung aming napili at nag-agree naman sila na maging ambassadors ng Alay–Kapwa… wala silang hinihingi kundi ang dasal lang ng ating simbahan para sa kanila,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas.

Ang Ben&Ben din ang napiling umawit ng official themesong para sa ika-50 anibersaryo na pinamagatang “Sa Kapwa Ko ay Alay,” na isinulat ni Robert Labayen at nilapatan ng musika ni Jonathan Manalo.

Kabilang din sa mga inaasahang performers at panauhin sa benefit concert sina Ms. Charo Santos, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros-Francisco, Barbie Forteza, Gabbi Garcia, Erik Santos, at iba pang personalidad at grupo.

Nagkakahalaga ang concert tickets ng P150 para sa General Admission; P200 sa Upper Box B; P500 sa Upper Box A; P700 sa Lower Box; P1,500 sa Patron; at P5,000 sa SVIP.

Sa mga nagnanais bumili ng concert tickets, maaaring bisitahin ang Facebook page ng Caritas Philippines at Alay Kapwa para sa karagdagang detalye.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,318 total reads

 33,318 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,942 total reads

 69,942 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,153 total reads

 88,153 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,481 total reads

 172,481 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,343 total reads

 208,343 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 81,001 total reads

 81,001 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top