Ceasefire sa pagitan ng Iran Israel, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,357 total views

Malugod na tinanggap ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang tigil-putukan sa pagitan ng Iran at Israel, na inisyatiba ng Estados Unidos.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, ito ay mahalagang hakbang tungo sa pagkamit ng kapayapaang matagal nang inaasam sa Gitnang Silangan.

“Any pause in violence offers a chance to prevent further loss of life and rebuild diplomatic channels,” ayon kay Bishop Santos. Naniniwala ang obispo na ang ganitong hakbang ay hindi lamang panandaliang katahimikan, kundi maaaring maging simula ng mas malalim na diyalogo at pagkakaunawaan.

Sa kabila nito, sinabi ng Obispo na ang tagumpay ng ceasefire ay nakasalalay sa tunay na hangarin ng mga sangkot na makamit ang pangmatagalang solusyon sa mga ugat ng alitan.

“Such a ceasefire’s effectiveness often depends on the sincerity of commitments and the broader political will to resolve long-standing issues,” dagdag niya.

Mula sa pananaw ng Catholic Social Teaching, iginiit ni Bishop Santos na ang kapayapaan ay hindi lamang ang kawalan ng digmaan kundi ang presensya ng katarungan, paggalang, at pakikipag-ugnayan.

“Peace is not simply the absence of war — it’s the presence of justice, mutual respect, and dialogue,” ayon pa kay Bishop Santos.

“If this ceasefire aims to promote understanding, protect human dignity, and seek reconciliation rather than simply serve geopolitical interests, then it aligns more closely with the Church’s call for peace.”

Muli ay hinikayat ng Obispo ang pananalangin para sa mga lider ng bansa, lalo na ang mga kasangkot sa kaguluhan, na magkaroon ng tapang at kababaang-loob upang piliin ang pakikipag-usap kaysa sa karahasan.

“We lift up to you the leaders of nations, especially those involved in conflict,” wika niya sa panalangin.

“Grant them the courage to choose dialogue over division, mercy over might, and to see in their enemies not adversaries, but fellow children of God.”

Umaasa si Bishop Santos na ang ceasefire ay maging simula ng tunay na pagbabago at kapayapaan.

“May this ceasefire be a first step toward true and lasting peace. Protect the innocent, heal the wounded, and comfort the grieving,” panalangin ni Bishop Santos, na siya ring parish priest ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,880 total views

 48,880 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,749 total views

 44,749 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,951 total views

 80,951 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,629 total views

 89,629 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,807 total views

 114,807 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top