25-taong FTAA ng Ocenagold, pinapawalang bisa ng Diocese of Bayombong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,297 total reads

Nagpapatuloy ang pagdinig sa Regional Trial Court (RTC) ng Nueva Vizcaya kaugnay sa kontrobersyal na 25-taong Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) ng OceanaGold Philippines Inc. (OGPI) para sa operasyon ng minahan sa Barangay Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Tinututulan ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, na siyang pangunahing petitioner sa kaso, ang kakulangan ng public consultation sa proseso ng pagpapahintulot sa panibagong FTAA, na nagbigay-daan muli sa mapaminsalang minahan, sa kabila ng matinding pagtutol ng mga apektadong residente at pamayanan.

“This pattern continues to date, as OceanaGold made recent pronouncements of spending millions of dollars for mining exploration this year and we still have yet to hear about any public consultation for these developments,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Magugunita noong April 22, 2024 nang magpasa ng special civil action ang mga petitioner na humihiling ng Certiorari para ipawalang-bisa ang kasalukuyang FTAA at operasyon ng minahan, at ng Continuing Mandamus para sa agarang rehabilitasyon ng open pit facility.

Samantala, noong April 2, 2025, naglabas ng hating desisyon ang RTC na ipinag-utos ang pre-trial para sa Continuing Mandamus ngunit isinantabi ang kahilingan para sa Certiorari, sa pagsasabing ang renewal ay itinuturing lamang na pagpapalawig ng dating kasunduan at hindi nangangailangan ng panibagong konsultasyon.

Nilinaw naman ni Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) legal counsel Atty. Rolly Peoro, na walang batayang legal sa FTAA renewal agreement, Philippine Mining Act, o sa Saligang Batas ang tinatawag na karaniwang pagpapalawig ng kasunduan.
Iginiit ni Peoro na kahit extension lamang ng exploration phase ang pinag-uusapan, dapat pa ring sundin ang itinakdang konsultasyon sa publiko alinsunod sa Local Government Code.

Nakasaad naman sa Motion for Reconsideration ng mga petitioner na: “Ultimately, the failure to secure prior consultations and obtain the requisite endorsements from the appropriate Sanggunian bodies is not a mere technical lapse, but a substantive and jurisdictional defect. Such conduct, in manifest violation of both statutory and constitutional safeguards, undeniably constitutes grave abuse of discretion warranting judicial correction.”

Nagtapos ang 25-taong mining permit ng OceanaGold noong 2019, ngunit binigyan ng panibagong permiso ng Office of the President noong 2021 para sa karagdagang 25-taon.

Itinuturing ang Nueva Vizcaya bilang “watershed haven” dahil sa taglay nitong mga watershed na tumutugon sa pangangailangang patubig at pang-agrikultura ng lalawigan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 14,605 total reads

 14,605 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 14,732 total reads

 14,732 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 26,483 total reads

 26,483 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 82,889 total reads

 82,889 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 206,390 total reads

 206,390 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 290,450 total reads

 290,450 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,573 total reads

 175,573 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top