Mga layko, pinasasalamatan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,619 total reads

Ipinaabot ni Rev. Fr. Gregory Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filippino ang pasasalamat ng Simbahan sa mga layko.

Ayon sa Pari na siya ring correspondent ng Radyo Veritas sa Vatican bahagi ng naging mensahe ni Pope Leo XIV sa magkakasunod na paggunita ng Jubilee of Seminarians, Bishops and Priests sa Roma ang pagpapasalamat sa pag-agapay ng mga layko sa mga lingkod ng Simbahan.

Sa kabila nito, pinaalalahanan ni Fr. Gaston ang mga layko na huwag sanayin sa layaw ang mga Pari sa halip ay hayaan ang mga ito na maglingkod bilang katuwang na pastol sa kawan ng Diyos.

Partikular na pinaalalahanan ng Pari ang mga layko na tumugon sa tawag ng pangungumpisal na isang mahalagahang bahagi ng pagiging isang tunay at ganap na Katoliko.

“Mga lay people salamat sa inyong pag-aalaga sa ating mga kaparian please lang po huwag niyong i-spoil, huwag niyong i-spoil ang mga pari. Pagtrabahuhin niyo rin yung mga pari, kaming mga pari like confession kapag kailangan niyo ng confession lumapit kayo huwag kayong mahiya sabihin kay Father ‘pwede bang mag-confess’ minsan may mga schedule, minsan sasabihin tawag lang kayo, tawag po kayo, tawag lang po kayo para mangumpisal kailangan niyo yan.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito pinangunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang delegasyon ng mga Pilipinong Obispo at iba pang lingkod ng Simbahan na nakibahagi sa magkakasunod na paggunita ng Jubilee of Seminarians, Bishops and Priests sa Roma bilang patuloy na paggunita ng Simbahang Katolika ng Jubilee Year of Hope.

Kabilang sa ibinahaging katesismo ni Pope Leo XIV para sa mga Obispo ang pagbibigay diin sa pamumuhay ng payak ng mga lingkod ng Simbahan sa pamamagitan ng pagtalikod sa anumang karangyaan at mga prebilehiyo na makapagpapalayo sa mga mananampalataya at sa mga pastol ng Simbahang Katolika.

Ipinaalala rin ng Santo Papa na ang tanging kapangyarihan na dapat na taglayin ng mga Obispo bilang lingkod ng Simbahan ay ang kapangyarihan ng pag-ibig ni Kristo na nagpapahayag ng paglilingkod at kababaang-loob.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 93,837 total reads

 93,837 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 129,824 total reads

 129,824 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 163,956 total reads

 163,956 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 220,361 total reads

 220,361 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 32,602 total reads

 32,602 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top