54 na Obispo at Arsobispo sa buong mundo, ginawaran ng Pallium ni Pope Leo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,049 total reads

Personal na ginawaran ni Pope Leo XIV ng Pallium ang 54 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Jaro na si Archbishop Midyphil B. Billones.

Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Solemnity of Sts. Peter and Paul noong ika-29 ng Hunyo, 2025.

Ang Pallium ay ‘vestment’ na gawa sa puting tela na isinusuot lamang ng Santo Papa at ng mga Metropolitan Archbishops na sumisimbolo ng suporta at pakikipag-isa sa Santo Papa bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at nagpapakita ng kanilang awtoridad sa kanilang nasasakupan.

Bilang katuwang ni Pope Leo XIV sa pagiging lingkod ng Simbahang Katolika ay muli ding nangako ng suporta ang mga bagong arsobispo sa patuloy at higit pang pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Diyos gayundin sa pangako ng kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Matatandaang ikalawa ng Pebrero, 2025 nang itinalaga ng yumaong Santo Papang si Pope Francis si Archbishop Billones bilang ika-14 na Arsobispo ng Jaro na opisyal na iniluklok sa arkidiyosesis noong ika-2 ng Abril, 2025 kahalili ng nagretirong si Archbishop-emeritus Jose Romeo Lazo na nanilbihang Arsobispo ng Jaro sa loob ng 7 taon mula 2018 hanggang 2025.

Ang Ecclesiastical Province of Jaro ay binubuo ng Archdiocese of Jaro at mga Diyosesis ng Bacolod, San Jose de Antique, San Carlos, at Kabankalan.

Ang naganap na ‘investiture of Pallium’ o opisyal na pagsusuot ng pallium ng Santo Papa para sa mga bagong Arsobispo ng Simbahang Katolika ang isa sa mga lumang kaugalian o tradisyon na muling ibinalik ni Pope Leo XIV mula sa pagbabagong ginawa ni Pope Francis noong 2015.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 90,856 total reads

 90,856 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 126,990 total reads

 126,990 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 161,122 total reads

 161,122 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 217,527 total reads

 217,527 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 32,234 total reads

 32,234 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top