Digmaan, tinawag ng Obispo na ‘Fratricide’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,107 total reads

Hinimok ni Bacolod Bishop Patricio Buzon ang mamamayan na magbuklod tungo sa pagkakamit ng kapayapaan. Ayon sa obispo matatamo ang kapayapaan ng mundo sa pamamagitan ng pakikiisa, pakikipagdiyalogo, pakikinig, at pakikilahok tulad ng layunin ng isinasagawa ngayon ng simbahan na synodal process.

“Today, more than ever, peace requires our vigilant and creative presence. Peace, world peace starts with each of us. Let there be peace on earth and let it begin with me. Before having even the ambition of building world peace, let us start with building peace in our little world. First, within ourselves, in our families, in our communities,” ayon kay Bishop Buzon.

Binigyang diin ni Bishop Buzon na ang kasalukuyang digmaan ng mundo tulad ng mga nangyayari sa Israel at Gaza ay bunga ng ilang siglong sigalot tulad ng inilathala sa aklat ng Genesis na hindi pag-uunawaan ng magkapatid na Ismael at Jacob kaya’t ang mga digmaan ay maituturing na ‘fratricide’.

Ikinalunglot ng obispo ang lumalalang sigalot sa iba’t ibang bahagi ng daigdig kung saan pawang mga inosenteng mamamayan ang biktima at nagdurusa sa epekto ng digmaan.

“War is the greatest tragedy of our time. The world suffers from the plague of wars, which escalates and multiplies day by day. War is today’s greatest scourge that leaving the world broken and divided,” giit ni Bishop Buzon.

Iginiit ng pastol na ang digmaan at karahasan ay hindi tugon sa mga hindi pagkakaunawaan subalit nagpapalalim ito sa mga sugat na aabutin ng henerasyon ang paghihilom.

Dismayado rin si Bishop Buzon sa mga makapangyarihang bansa na nakikinabang sa mga digmaan dahil lalong umuusbong ang negosyo sa armas.

Pinangunahan ni Bishop Buzon ang pagdiriwang ng banal na misa sa ikatlong araw ng retreat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at National Synodal Consultations sa Immaculate Conception Parish o Baclayon Church sa Baclayon Bohol.

Katuwang ng obispo sa pagdiriwang sina San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda at Prosperidad Bishop Ruben Labajo kasama ang iba pang mga obispo kabilang sina Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula at Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang kasalukuyang pangulo ng CBCP.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 14,557 total reads

 14,557 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 14,684 total reads

 14,684 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 26,415 total reads

 26,415 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 82,821 total reads

 82,821 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 206,322 total reads

 206,322 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 290,389 total reads

 290,389 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top