Laudato Si Movement, nagpaabot ng pagbati sa bagong liderato ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 3,267 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Laudato Si’ Movement – Asia Pacific kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pagkakahalal bilang bagong chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (CBCP-ECSA-JP) at pangulo ng Caritas Philippines.

Ayon sa Laudato Si’ Movement, matagal nang katuwang ng grupo si Bishop Alminaza, na kinikilala bilang matapang na tinig ng Simbahan sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagtataguyod ng karapatan ng mga mahihirap.

Hinirang ang obispo kasabay ng 130th CBCP Plenary Assembly sa Anda, Bohol noong July 5, 2025.

“His election is a strong sign of the Church’s commitment to integral ecology and social justice,” pagbati ng Laudato Si’ Movement.

Hiniling naman ng grupo ang pananalangin para kay Bishop Alminaza upang patuloy na patnubayan ng Panginoon sa bagong yugto ng paglilingkod para sa nag-iisang tahanan at sa mga nasa laylayan ng lipunan.

“Let us offer our prayers as he begins this new journey with compassion, courage, and a deep love for God’s Creation,” dagdag ng grupo.

Si Bishop Alminaza ay kasalukuyang vice chairman ng CBCP-ECSA-JP at vice president ng Caritas Philippines simula pa noong 2019.

Hahalili ang obispo kay Kidapwan Bishop Jose Colin Bagaforo, na magtatapos ang termino sa November 30, 2025, at nahalal naman bilang bagong chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue.

Magsisimula ang opisyal na termino ng dalawang obispo sa December 1, 2025.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 8,430 total views

 8,430 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 33,791 total views

 33,791 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 44,419 total views

 44,419 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 65,322 total views

 65,322 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 84,027 total views

 84,027 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Listahan ng mga bagong opisyal ng CBCP

 3,641 total views

 3,641 total views Kasabay ng paghalal sa mga bagong pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naghalal din ng mga bagong chairperson sa mga

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top