NCCP, tiniyak ang buong suporta sa humanitarian work ng simbahang katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 67,250 total reads

Tiniyak ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) ang pakikipagtulungan sa Simbahang Katolika sa pagsasakatuparan ng iba’t ibang mga humanitarian work sa bansa.

Kasabay ng pagbati para sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kay San Carlos Bishop Gerardo Alimanaza bilang bagong chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace ay tiniyak rin ng NCCP ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga gawaing pagtulong ng Simbahan.

Ayon sa NCCP, sa pamamagitan ng Philippine Faith-Based Organization Forum (FBO PH) ay makakaasa ang Simbahang Katolika sa patuloy na pakikipagtulungan sa pagsasakatuparan ng iba’t ibang humanitarian work sa bansa lalo’t higit para sa kapakanan ng mga nangangailangan sa lipunan.

“The National Council of Churches in the Philippines congratulates The Most Rev. Gerardo A. Alminaza, D.D. on his election as the new Chair of the Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace (ECSA-JP) and President of Caritas-Philippines. The NCCP welcomes and assures the Bishop of enhanced cooperation in humanitarian work through the Philippine Faith-Based Organization Forum (FBO PH) in serving the people in need.” Bahagi ng pagbati ng NCCP.

Ipinapalangin din ng NCCP, ang patuloy na paggabay at patnubay ng Banal na Espiritu sa pagsasakatuparan ni Bishop Alminaza sa kanyang panibagong misyong pangasiwaan ang pagsusulong at pagtataguyod ng Simbahan ng kapayapaan, katarungang panlipunan, karapatang pantao at pangangalaga sa sangnilikha.

“We pray that the Bishop’s ministry will continue to thrive through advocating for justice, peace, and safeguarding the integrity of creation.” Dagdag pa ng NCCP.

Kaakibat ng pagiging bagong chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace ay magsisilbi rin si Bishop Alminaza bilang bagong pangulo ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP.

Si Bishop Alminaza ang kasalukuyang vice chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at vice president ng Caritas Philippines magmula noong taong 2019.

Kilala si Bishop Alminaza sa kanyang adbokasiya sa pagsusulong ng karapatang pantao, katarungang panlipunan at pangangalaga ng kalikasan sa bansa.

Bahagi ng naganap na 130th Plenary Assembly ng CBCP sa Anda, Bohol noong ika-5 hanggang ika-7 ng Hulyo, 2025 ang paghalal ng mga bagong pamunuan para sa iba’t ibang komisyon ng CBCP.

Magsisimula ang bagong katungkulan ni Bishop Alminaza bilang hahalili ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa December 1, 2025 kung saan magtatapos ang termino ng mga nakalipas na opisyal sa November 30, 2025.

Ang mga opisyal ng CBCP ay maglilingkod sa loob ng dalawang taon para sa isang termino at maaring muling ihalal sa pangalawang termino o kabuuang apat na taon.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 11,969 total reads

 11,969 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,096 total reads

 12,096 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 21,968 total reads

 21,968 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 78,374 total reads

 78,374 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 201,875 total reads

 201,875 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 286,145 total reads

 286,145 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top