Pagdiriwang ng ika-50 taong pagmimisyon ng SOLT, pangungunahan ni Archbishop Brown

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,789 total reads

Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagdiriwang sa ikalimang dekadang pagmimisyon ng Society of Our Lady of the Most Holy Trinity (SOLT) Asia-Pacific Region.

Isasagawa ang banal na misa sa St. Gregory the Great Cathedral sa Legazpi City, Albay sa July 16 sa ganap na alas 10 ng umaga.

Ayon sa Diocese of Legazpi, taong 1975 nang magsimula ang SOLT ng kanilang pagmimisyon sa diyosesis alinsunod sa imbitasyon ni noo’y Bishop Teotimo Pacis, C.M partikular sa Cabâsan, Cagraray Island, Bacacay, Albay.

“Since then, SOLT priests, sisters, brothers, and lay missionaries—Filipino and foreign—have served island parishes and mission areas in Albay, offering pastoral care and accompaniment in the spirit of their charism as ecclesial family teams,” ayon sa pahayag ng diyosesis.

Bukod dito ito rin ay bahagi ng pagdiriwang ng diysosesis ng 2025 Jubilee of Hope, Diocesan Year of Stewardship gayundin ang Preparatory Phase ng Diocesan Diamond Jubilee.

Ang SOLT ay itinatag ni Fr. James Flanagan noong 1958 sa Archdiocese of Santa Fe, New Mexico na binubuo ng dalawang societies of apostolic life ang SOLT Sisters at ang SOLT Clerical Society kabilang na rin ang SOLT Lay Association.

Matatagpuan sa Corpus Christi, Texas ang headquarters ng kongregasyon subalit laganap sa North at Central America gayundin sa Asia at Oceania ang misyon ng SOLT.

Binigyang diin ng kongregasyon ang pagiging disipulo ni Hesus sa kanilang paglilingkod sa kristiyanong pamayanan sa pamamagitan ng mga hiyas ng Mahal na Birheng Maria at isabuhay ang Marian-Trinitarian spirituality sa pagtugon sa tawag ng pagmimisyon lalo na sa mga obispong nangangailangan ng tulong sa kani-kanilang diyosesis.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 11,975 total reads

 11,975 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,102 total reads

 12,102 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 21,978 total reads

 21,978 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 78,384 total reads

 78,384 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 201,885 total reads

 201,885 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 286,155 total reads

 286,155 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top