Simbahan, bukas sa lahat ng mga nangangailangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,449 total views

Tiniyak ng misyonerong Piarist na bukas ang simbahan para sa bawat nangangailangan lalo na sa panahon ng mga sakuna.

Ito ang pahayag ni Fr. Wilmer Samillano, Sch.P, kura paroko ng Holy Family Parish sa Gulod Novaliches, Quezon City makaraang bahain ang malaking bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa epekto ng Habagat na unang pinaigting ng Bagyong Crising.

Binigyang diin ng pari na hindi pinag-uusapan ang pananampalataya, kultura at pagkakaiba ng tao sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

“Sa mga nasalanta laging tandaan na ang simbahan ay laging bukas, walang pinipiling relihiyon, walang pinipiling lahi, ito ay para sa lahat. Hindi pinag-uusapan ang pagkakaiba lalo na sa panahon ng kalamidad,” pahayag ni Fr. Samillano sa Radyo Veritas.

Nitong July 21 nang lumubog sa baha ang malaking bahagi ng Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan bunsod ng Habagat kung saan maraming mamamayan ang lubhang naapektuhan.

Binuksan ni Fr. Samillano ang parokya at kinanlong ang mahigit 600 indibidwal lalo na ang mga naninirahan sa paligid ng Tullahan River.
Kasabay ng pagkupkop sa mga lumikas na residente ang pagpapakain gayundin ang pamamahagi ng mga gamot, hygiene kits, mga damit, at malinis na inuming tubig.

Apela ni Fr. Samillano sa mamamayan na maging handa sa anumang panahon lalo na sa mga lugar na kadalasang binabaha.

“Patuloy tayong mag-iingat, laging maghanda, magkaroon lagi ng mga gamit na kapag tumaas ang tubig nakalagay na sa isang bag na pwedeng bitbitin at dalhin agad lalo na ang mga mahahalagang gamit,” ani Fr. Samillano.

Mensahe ng pari sa publiko na makipag-ugnayan sa kanilang parokya para sa mga nais magpaabot ng tulong tulad ng bigas, canned goods, gamot at iba pang kinakailangang tulong sa mga nagsilikas na residente.

Nakahanda na rin ang mga social arm ng iba’t ibang diyosesis sa bansa lalo na ang Caritas Manila para makapaghatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 8,562 total views

 8,562 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 35,018 total views

 35,018 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 85,702 total views

 85,702 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 91,460 total views

 91,460 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 120,059 total views

 120,059 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top