LASAC, nakabantay sa kalagayan ng mga parokya sa Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,873 total reads

Patuloy na binabantayan ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) ang kalagayan ng mga parokya sa lalawigan ng Batangas kasunod ng mga pag-uulang nagdulot ng pagbaha sa ilang bayan at pinangangambahang maging banta ng landslide sa mga lugar na mataas ang posibilidad sa pagguho ng lupa o landslide.

Ayon kay LASAC Program Officer Paulo Ferrer, naitala ang pagbaha sa mga bayan ng Balayan, Tuy, Lian, at Laurel, na nakaapekto sa pangunahing mga lansangan, ngunit agad namang tumugon ang mga lokal na pamahalaan upang malinis ang ilang bahagi ng mga apektadong kalsada.

“Around 4 towns ang may reported na flooding, which affected main thoroughfare network, pero agad namang na-clear ng mga local government unit ang ilan based on coordination,” pahayag ni Ferrer sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, nasa evacuation center naman ang nasa 40 indibidwal mula sa katutubong Bajao sa Balayan bilang pag-iingat sa banta ng pagguho ng lupa sa kanilang tirahan.

Nabanggit din ni Ferrer na may sapat pang laman ang food bank ng LASAC sakaling kailanganin ang pagtugon sa mga nasa evacuation centers.

Aniya, sa kasalukuyan, ay natutugunan pa ng mga lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng evacuees mula sa dalawang bayan sa Batangas.

“May laman pa naman ang ating food bank, and as per coordination ay covered pa naman ng mga [local government units] since dalawang towns pa lamang ang may evacuation centers,” ayon kay Ferrer.

Ayon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa 83 pamilya o 314 katao na ang kasalukuyang nasa mga evacuation center, habang 302 pamilya o 1,048 katao naman ang pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 31,003 total reads

 31,003 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 64,631 total reads

 64,631 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 101,114 total reads

 101,114 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 119,326 total reads

 119,326 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 201,975 total reads

 201,975 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 82,537 total reads

 82,537 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top