Archbishop Uy, umaapela kay PBBM na tuluyang ipahinto ang online gambling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,572 total reads

Nanawagan si incoming Cebu Archbishop Alberto Uy kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa mga mambabatas kaugnay ng patuloy na paglaganap ng online gambling sa bansa.

Hiniling ng kasalukuyang obispo ng Tagbilaran na ipatupad ang tuluyang pagbabawal sa lahat ng uri ng online gambling.

“I am making a direct and heartfelt appeal to the President of the Philippines and to our lawmakers. We beg you: please put a total and permanent ban on online gambling in the country,” ayon sa apela ni Archbishop-designate Uy.

Nanindigan si Archbishop-designate Uy, na hindi na dapat pahintulutang kumalat pa ang ganitong bisyo na unti-unting sumisira sa buhay ng maraming Pilipino.

Binibigyang-diin niya na ang online gambling ay hindi lamang problema ng batas o ekonomiya, kundi isa ring banta sa moralidad, pamilya, at dignidad ng tao.

Ayon kay Archbishop-designate Uy, ang online gambling ay madaling nakapapasok sa mga tahanan sa pamamagitan ng cellphone, nagiging bahagi ng araw-araw na buhay, at madalas ay hindi namamalayan na naaapektuhan na ang isipan at pagkatao ng tao—lalo na ng kabataan at mga mahihirap.

“Do not allow this poison to continue spreading into the homes, phones, and hearts of our people. No amount of government income or corporate gain can justify the loss of human dignity, the breakdown of Filipino families, and the exploitation of the poor”, ayon pa sa kasalukuyang obispo ng Tagbilaran.

Iginiit ng arsobispo, na walang halaga ang anumang kita mula sa buwis o negosyo kung kapalit naman nito ang pagkasira ng pamilya, ang pagkawasak ng dangal ng tao, at ang pagsasamantala sa mga nangangailangan.

Nanawagan siya ng pagkilos mula sa pamahalaan upang wakasan na ang pagkalat ng online sugal at protektahan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino—lalo na ang mga pinakamahihinang sa lipunan.

Si Archbishop-designate Uy ang kasalukuyang obispo ng Tagbilran ay nakatakdanag italaga bilang kahalili ni Cebu Archbishop Palma sa September 30.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 206,326 total reads

 206,326 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 240,999 total reads

 240,999 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 256,899 total reads

 256,899 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 293,388 total reads

 293,388 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 299,745 total reads

 299,745 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top