Ngayon ang panahon para magmalasakit, magkaisa, at magkapit-bisig.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,939 total reads

Ito ang paalala ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, sa sambayanang Pilipino ngayong humaharap ang bansa sa matinding pagsubok dulot ng pinagsamang epekto ng hanging Habagat na pinalakas ng mga Bagyong Crising, Dante, at Emong.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ang pagtutulungan ng bawat isa, sa anumang paraan, upang makapagligtas ng buhay at makapaghatid ng pag-asa sa kapwa.

Binigyang-diin ng obispo ang kahalagahan ng mga simpleng gawaing makatutulong sa kapwa at kalikasan, tulad ng pagpupulot ng basura, paglilinis ng mga baradong daluyan ng tubig, at pag-uulat ng mga sirang linya ng kuryente.

“Kailangan natin ang pagkalinga, pagtutulungan, at pagkakaisa. Marami tayong maaaring gawin–maliit man o malaki, lahat ay may halaga… mga simpleng gawaing maaaring magligtas ng buhay at magbigay ng pag-asa,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Bukod dito, nanawagan din ang obispo ng panalangin para sa kaligtasan at katatagan ng mga nasalanta, gayundin para sa mga volunteer na buong lakas na naglilingkod upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Tiniyak naman ni Bishop Bagaforo na mananatiling katuwang ang simbahan upang sa gitna ng kadiliman ay maging liwanag ng pag-asa at biyaya para sa mga dumaraan sa matinding pagsubok.

“Ang simbahan–ang Caritas Philippines at ang lahat ng Caritas sa bawat sulok ng bansa–ay nagsasama-sama upang maglingkod, mag-alaga, at magbigay-pag-asa sa lahat. Anuman ang pinagmulan, sa gitna ng pagsubok, tayo ay inaanyayahang maging biyaya sa isa’t isa,” saad ni Bishop Bagaforo.

Para sa mga nais magpaabot ng suporta at donasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Facebook pages ng Caritas Philippines at Alay Kapwa upang malaman ang kumpletong detalye ng pagpapadala ng tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,218 total reads

 20,218 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,828 total reads

 57,828 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,039 total reads

 76,039 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 160,367 total reads

 160,367 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,783 total reads

 196,783 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,399 total reads

 80,399 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top