Performance ni PBBM, pasang-awa sa mga opisyal ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,082 total reads

Nakukulangan ang ilang opisyal ng simbahan sa naging panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pamahalaan ang bansa sa loob ng nakalipas na tatlong taon.

Ito ay kaugnay na rin sa inaasahang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Marcos sa Lunes, July 28.

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, bagama’t may mg nagawa ang Pangulo, hindi ito sapat upang tunay na maramdaman ng karaniwang mamamayan ang pagbabago.

“I’m giving him a grade of 5 (10 ang pinakamataas) — meron naman siyang nagawa pero kulang,” pahayag ng Obispo ilang araw bago ang inaasahang pag-uulat ng Pangulo sa bayan.

“Lahat — basically lahat — kulang,” dagdag pa niya sa isang panayam ng Radyo Veritas.

Ipinunto rin ni Bishop Gaa na ang SONA ay madalas nagiging plataporma lamang ng mga nais iparinig ng pamahalaan, sa halip na maging tapat na pagsasalarawan ng tunay na kalagayan ng bansa.

“Ang SONA kasi, sometimes it’s what you want people to hear,” saad Gaa. “Pero ano nga ba ang gusto kong marinig? Gusto kong makarinig ng katotohanan.”

Sa panig naman ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs (CBCP-ECPA), “I give him 5, which in my estimation is already a generous rating. But that is mostly for his calm demeanor in handling government affairs. It can go up to 7 if this calmness turns into aggressiveness in effectively solving our nation’s woes.”

“I wish PBBM to be a wise economic manager, tough political leader and a brave visionary who’ll lead us for the next three years,” ayon pa kay Fr. Secillano.

Singko o 5 din ang ibinigay na grado ni Fr. Joel Saballa ng Caritas Novaliches sa Pangulo.

“Kasi may mga nagawa ang mga executive department like DOLE, DSWD ramdam ng taong bayan. (Dapat) paigtingin ito para mas lalong makita meron tayong gobyerno,” ayon kay Fr. Saballa.

Hinimok din ni Bishop Gaa, si Pangulong Marcos na maging bukas sa pagtalakay ng mga mahahalagang isyung kinakaharap ng bansa gaya ng kahirapan, edukasyon, at kalusugan — mga usaping matagal nang nangangailangan ng konkretong solusyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 35,146 total reads

 35,146 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 142,692 total reads

 142,692 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 187,362 total reads

 187,362 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 209,568 total reads

 209,568 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 245,007 total reads

 245,007 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top