PAHRA, ipaglalaban ang justice free for all

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,640 total reads

Kinundina ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) ang naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay PAHRA Secretary-General Edgar Cabalitan, nakadidismaya ang naging desisyon ng Senado lalo’t higit ang mga Senador na bomoto kaugnay sa nasabing mosyon na mas piniling itago ang katotohanan mula sa sambayanang Pilipino.

Giit ni Cabalitan, malinaw para sa publiko ang mensahe ng desisyon ng Senado na mas piniling kampihan ang bise presidente sa halip na manindigan para sa katotohanan at katarungang panlipunan.

“For those senators who voted to archive the articles of impeachment, let it be clear. They have chosen to conceal the truth from the Filipino people… Malinaw ang mensahe sa mamamayan: ang mga senador na ito ay mas piniling kampihan si VP Duterte kaysa panindigan ang katotohanan.” Bahagi ng pahayag ni Cabalitan.

Paliwanag ni Cabalitan, hindi nagtatapos sa naturang desisyon ng Senado ang paninindigan ng mga mamamayan sa paghahanap ng katotohanan at pagnanais na mapanagot ang opisyal mula sa iba’t ibang kaso ng katiwalian sa kaban ng bayan na dapat na inilaan para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Nanindigan din ang PAHRA na magpapatuloy ang pakikibahagi nito sa laban para sa katotohanan at pananagutan kung saan dapat na maging bukas at abot ng lahat ang katarungan at hindi kontrolado o nahahadlangan ng mga nasa kapangyarihan.

“This is not the end of the road for the truth to come out… But it should never be this hard for Filipinos to seek justice. They should not have to fight tooth and nail for accountability. Justice must be a right freely available to all, not a privilege decided by political will.” Dagdag pa ni Cabalitan.

Samantala, una na ring nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa maituturing na pagtataksil ng Senado sa taumbayan at nanawagan na patuloy na ipanalangin ang mga lider ng bansa upang magampanan ang kanilang tungkulin para sa pangkabuuang kabutihan ng bayan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,020 total reads

 5,020 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,148 total reads

 5,148 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,141 total reads

 10,141 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,547 total reads

 66,547 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 190,049 total reads

 190,049 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 275,029 total reads

 275,029 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top