Taumbayan, pinagtaksilan ng Senado-Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,952 total views

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na pinagtaksilan ng Senado ang taumbayan sa pagkakait ng katarungang panlipunan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, kasunod ng naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Obispo, ang pagkakait ng Senado na ituloy ang imbestigasyon sa pananagutan ng bise presidente sa mga alegasyon ng katiwalian sa kaban ng bayan ay pagkakait ng katarungan sa lipunan at isang tahasang pagtataksil sa mga mamamayan.

“Betrayed tayong mga mamamayan, justice was denied on us sa issue ng accountability.” Bahagi ng pahayag ni Bisho Bagaforo sa Radyo Veritas.

Dismayado rin si Bishop Bagaforo -na siya ring tagapangulo ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, sa kabiguan ng mga Senador na gampanan ang kanilang tungkulin bilang isang impeachment court kung saan matatandaang una ng nanumpa ang mga ito bilang mga Senator Judge.

Ayon sa Obispo, sa halip na unahin at pakinggan ng mga Senador ang sigaw ng taumbayan para sa katotohanan at pananagutan ay tinalikuran ng Senado ang kanilang tungkulin bilang mga hukom ng impeachment court sa pagtanggap sa mosyon ni Senator Rodante Marcoleta.

“Very disappointing, kasi we expected na sana yun impeachment court ang nag decide on the case at hindi yun upper house. Remember na they have taken their oath as judges already? I think to entertain the motion of Marcoleta was out of order. They have remissed their solemn duty to heed the call of the people.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Sa kabila nito, nanawagan ang Obispo sa taumbayan na manatiling gising at patuloy na manindigan sa pananawagan ng pananagutan sa pamahalaan lalo na’t maaari pang muling buhayin ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, napapanahon na maging bukas ang kamalayan ng bawat isa sa pasusuri, pagninilay at paninindigan sa kabutihan at kapakanan ng bayan kasabay ng pagtiyak na maisulong ang pananagutan mula sa mga tiwaling opisyal ng bansa.

“The case was “archived”, pwede pang buhayin! Kaya panawagan natin sa sambayanan na manatiling Gising! Ipatuloy nating iparating at ipaglaban sa pamahalaan ang ating Tinig! Now is the time to reflect (see), judge, and Act!”paglilinaw ng Obispo

Giit ng Obispo ang pag-archive ng Senado sa impeachment laban sa bise presidente ay hindi lamang usaping legal kundi isa ring usaping moral dahil sa pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa mga institusyon ng pamahalaan.

Matatandaang, Miyerkules ika-6 ng Agosto, 2025 matapos ang ilang oras na debate ay nanaig ang boto ng mayorya ng mga senador sa botong 19-4-1 pabor sa “motion to archive” sa usapin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 26,987 total views

 26,987 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 55,338 total views

 55,338 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 123,068 total views

 123,068 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 146,219 total views

 146,219 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 214,429 total views

 214,429 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top