Isang gabi ng musika at sining, ihahandog ng Philippine Philharmonic Orchestra

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,883 total views

Ihahandog ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) ang isang gabi ng musika at sining sa konsiyertong pinamagatang “Symphonia Caeli” sa San Mateo, Rizal.

Gaganapin ito sa August 29, 2025, alas-7 ng gabi sa National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu, sa pamumuno ni Maestro Herminigildo Ranera, kung saan tampok din sa pagtatanghal ang mga kilalang mang-aawit na sina Gab Pangilinan at Mike Shimamoto.

Libre at bukas para sa lahat ang konsiyerto bilang bahagi ng outreach program ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na layong palaganapin ang pagpapahalaga sa sining at kultura, at dalhin ang mga ganitong pagtatanghal sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Ang Symphonia Caeli ay inihahandog sa pakikipagtulungan ng CCP, ng Dambana ng Aranzazu sa pangunguna ng rektor at kura paroko Fr. Rodrigo Eguia, at ng Hermano Mayor 2025 Henri Andres-Macatangay.

Kabilang din ito sa patuloy na pagbubunyi para sa nalalapit na maringal at makasaysayang deklarasyon ng dambana bilang national shrine sa August 22, 2025, kasabay ng kapistahan ng Pagka-Reyna ng Mahal na Birheng Maria, na ang Banal na Misa sa ganap na alas-10 ng umaga ay pangungunahan ni Vatican Dicastery for Evangelization Pro-prefect Luis Antonio Cardinal Tagle.

Tema ng makasaysayang pagdiriwang ang “Dambana ng Pag-asa: Daan ng Peregrino kasama ang Birhen ng Aranzazu.”

Matatandaang sa 129th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong January 2025, isa ang Dambana ng Nuestra Señora de Aranzazu sa tatlong simbahan sa bansa na idineklarang national shrine.

Batay sa kasaysayan, nagsimula ang simbahan noong 1596 sa pamamagitan ng mga Agustinong misyonero, ngunit Agosto 29, 1659 nang maitayo ang parokya na itinalaga kay San Mateo Ebanghelista. Noong 1705, sinimulan ni Fr. Juan Echazabal, isang Heswita, ang debosyon sa Birhen ng Aranzazu.

Pinarangalan ang imahe ng Birhen ng Aranzazu ng Episcopal Coronation noong 2013 at Canonical Coronation noong 2017, na nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga at pagkilala rito ng Simbahang Katolika.

Idineklara naman noong July 17, 2004 ang parokya ng Nuestra Señora de Aranzazu bilang diocesan shrine—ang natatanging simbahan sa Pilipinas na nakatalaga sa Birhen ng Aranzazu at sister-parish ng Basilica of Aranzazu sa Spain.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 86,489 total views

 86,489 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 109,648 total views

 109,648 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 130,922 total views

 130,922 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 294,510 total views

 294,510 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 2,077 total views

 2,077 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top