24,524 total views
Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga opisyal ng pamahalaan na mamuno nang may katapatan, habag at karunungan bilang tapat na lingkod-bayan.
Sa pagdiriwang ng Diocesan Jubilee for Government Officials sa darating na Agosto 16, binigyang-diin ng obispo na ang
paglilingkod sa bayan ay isang bokasyon na nangangailangan hindi lamang ng talino at kakayahan kundi ng lakas ng loob,
sakripisyo at matatag na paninindigan sa moralidad.
“Public service is not just a career—it is a calling. Your integrity can be a beacon in a time when distrust often clouds political issues. In a world fractured by division, your leadership can be a bridge,” ani Bishop Santos.
Ipinaliwanag pa niya na ang nasabing pagdiriwang ay hindi lamang isang seremonyang panrelihiyon kundi isang
paanyayang espirituwal para sa mga lingkod-bayan na muling suriin ang layunin ng kanilang pamumuno at italaga ang
sarili sa kabutihan ng kanilang nasasakupan.
“This Diocesan Jubilee is not merely ceremonial. It is a spiritual invitation: to reflect, renew, and recommit. The Church honors you—not for your titles or positions, but for the sacred trust you carry and the lives you touch through your leadership,” dagdag ng obispo.
Umaasa si Bishop Santos na magsisilbing panibagong panata ang pagtitipon tungo sa matapat at makataong paglilingkod.
Hinikayat din niya ang mga lider na maging matatag sa paglaban sa kawalang katarungan at gumawa ng mga pasyang
nakabatay sa dignidad, katarungan at kapayapaan—hindi sa takot o pabor.
“I pray that you will be leaders who listen deeply—not only to advisors and constituents, but to the still, small voice of God. May your legacy be written not only in legislation, but in lives changed, communities uplifted, and justice made real,” wika pa ng obispo.
Dagdag pa ng pastol ng Diyosesis, nawa’y maging pamumuno na hindi lamang epektibo kundi tunay na nakapagpapabago
sa lipunan at sa bawat mamamayan.
Gaganapin ang pagdiriwang sa Santa Ursula Parish sa Binangonan, Rizal.
Kabilang sa mga magbibigay ng panayam si Senator Erwin Tulfo, habang pangungunahan ni Bishop Santos ang pagdiriwang ng banal na misa sa ganap na alas-onse ng umaga. Dadalo rin ang mga opisyal ng lalawigan ng Rizal at lungsod ng Marikina na sakop ng teritoryo ng Diyosesis ng Antipolo, sa pangunguna ni Governor Nina Ricci Ynares.
Ang Diocesan Jubilee for Government Officials ay bahagi ng Jubilee Year ng Simbahang Katolika na may temang “Pilgrims
of Hope,” na naglalayong magbigay-inspirasyon at magpatibay ng pag-asa sa gitna ng paglilingkod at pananampalataya.