Dayalogo susi ng pagkakaunawaan-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,621 total reads

Umaasa si Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV na magbunga ang mga kasalukuyang hakbang upang mawakasan ang mga digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kanyang Angelus sa Castel Gandolfo noong Agosto 17, binigyang-diin ng santo papa ang kahalagahan ng dayalogo at pakikipag-usap upang malutas ang hindi pagkakaunawaan at maisulong ang kabutihang panlahat.

“Let us pray that efforts to bring wars to an end and to promote peace may bear fruit, and that in negotiations the common good of peoples may always be placed first,” ani Pope Leo XIV.

Pinagtibay din ng Santo Papa ang kanyang pakikiisa sa lahat ng mamamayang apektado ng mga digmaan, partikular ang mga inosenteng sibilyang naiipit sa kaguluhan at ang mga kabilang sa bulnerableng sektor gaya ng kabataan, kababaihan, matatanda, at mga may kapansanan.

Ayon sa datos ng World Economic Forum, may humigit-kumulang 60 armadong sigalot sa iba’t ibang bansa sa Middle East, North Africa, at Eastern Europe.

Tinatayang higit sa 200,000 na ang nasawi, 120 milyon ang sapilitang pinalikas, at halos 74 milyon ang kabilang sa mga tinaguriang Internally Displaced Persons (IDPs).

Sa kabuuan, mahigit dalawang bilyong katao ang nakatira sa mga lugar na apektado ng karahasan, kabilang ang tinatayang 400 milyong bata.

Dalangin ni Pope Leo XIV na manaig ang pagkakapatiran at pagbubuklod ng mga mamamayan upang makamtan ang tunay na kapayapaan.

Samantala, sa parehong pagdiriwang ng Angelus, ipinaabot din ng Santo Papa ang kanyang pakikiramay sa mga bansang tinamaan ng malalakas na pagbaha sa South Asia.

“I am close to the people of Pakistan, India, and Nepal who have been struck by violent floods. I pray for the victims, for their families, and for all those who suffer because of this calamity,” aniya.

Kasabay nito, nanawagan ang Santo Papa sa pandaigdigang pamayanan na magtulungan at magbuklod upang maibsan ang hirap ng mga apektadong mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,617 total reads

 63,617 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,501 total reads

 142,501 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,946 total reads

 175,946 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,245 total reads

 211,245 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,188 total reads

 435,188 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top