Santo Papa, humiling ng pakikiisa sa “Day of fasting and prayer for peace”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,281 total reads

Nanawagan ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV sa lahat ng mananampalataya na makiisa sa isang ‘Araw na Pag-aayuno at Panalangin para sa Kapayapaan’ o ‘Day of Fasting and Prayer for Peace’ sa darating na ika-22 ng Agosto 2025.

Ito ay pagsumamo sa Diyos ng katarungan, kapayapaan, at kaginhawaan para sa mga nagdurusa dahil sa patuloy na armadong sagupaan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hinihikayat ng Santo Papa ang mga Katoliko na ialay ang araw ng pananalangin at pag-aayuno bilang paghingi ng awa ng Panginoon, gayundin ang pagpahid sa mga luha ng mga nagdurusa at pagbibigay-liwanag sa mga bansang pinahihirapan ng digmaan.

“I invite all the faithful to take part in a day of fasting and prayer on August 22, imploring the Lord to grant us peace and justice, and to wipe away the tears of those who suffer because of ongoing armed conflicts. May Mary, Queen of Peace, intercede so that peoples may find the path of peace.” Bahagi ng panawagan ni Pope Leo XIV.

Itinuturing ng Simbahang Katolika ang pag-aayuno at pananalangin na makapangyarihang gawaing espirituwal na hindi lamang humuhubog sa personal na kabanalan ng bawat isa, kundi nagsisilbing panlipunang panawagan para sa pagkakaisa, kapatawaran, at tunay na kapayapaan.

Sa katuruan ng Simbahan, ang kapayapaan ay bunga ng katarungan, pagkakapatiran at pagmamahal.

Muling pinaalalahanan ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na makiisa hindi lamang sa pananalangin kundi sa pagiging saksi ng pag-ibig ng Diyos sa gitna ng kaguluhan at pagdurusa ng nararanasan ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 10,782 total reads

 10,782 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 46,655 total reads

 46,655 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 103,061 total reads

 103,061 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 226,225 total reads

 226,225 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top