Apostolic Vicariate of Calapan, nilinaw ang paninindigan sa dredging sa Oriental Mindoro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,950 total reads

Nilinaw ng Apostolic Vicariate of Calapan, na hindi ito tutol sa lehitimong river restoration o dredging, basta’t ito’y isinasagawa nang may malinaw na pamantayan, pangangalaga sa kalikasan, at alinsunod sa detalyado at siyentipikong Flood Management Plan.

Sa inilabas na rejoinder nitong August 20, 2025, iginiit ni Bishop Moises Cuevas na mali ang pagkakaunawang lumabas sa ilang balita at social media posts na ang simbahan ay lubos na tutol sa dredging.

Ayon sa obispo, ang pagtutol ng bikaryato ay nakatuon laban sa malakihang commercial dredging na nagtatago sa anyo ng sand mining operation, dahil nagdudulot ito ng pinsala sa kapaligiran at kabuhayan ng mga mamamayan.

“Our opposition is not against river restoration per se, it is against projects that put profit before people and the environment. It should be clear that we support, in consideration of our flood-prone communities, the legitimate, well-planned, clear, and environmentally responsible river restoration initiatives to address flooding in the province of Oriental Mindoro,” pahayag ni Bishop Cuevas.

Dagdag pa ni Bishop Cuevas, dapat ang anumang dredging project ay hindi ginagamit para sa komersiyal na pakinabang; dapat itong sumunod sa mahigpit na environmental safeguards, isailalim sa transparent public monitoring, at nakabatay sa detalyadong Flood Master Plan na may tamang engineering design at flood control methods.

Gayunpaman, binalaan ng obispo ang publiko laban sa pagsasagawa ng dredging nang walang kaukulang flood control measures, dahil maaari itong magdulot ng mas matinding pagbaha sa harap ng lumalalang pagbabago ng klima at mas malalakas na bagyo.

Nanawagan naman ng bikaryato para sa pagkakaisa, makatotohanang dayalogo, at tamang pagpapasya upang hindi manaig ang mali at hindi kumpletong impormasyon, at pagkakawatak-watak dahil sa pulitika.

“We urge everyone, government leaders, scientists, environmental advocates, and ordinary citizens, including us in the Church, to find common ground and work toward flood control solutions that are environmentally sustainable, socially fair, and truly responsive to our people’s needs,” ayon kay Bishop Cuevas.

Dalangin ni Bishop Cuevas ang karunungan at pagkakaisa upang ang mga magiging desisyon ay tunay na mangangalaga sa buhay, kalikasan, at ikakabuti ng lahat.

“May this clarification shed light and foster unity, so that together we may protect our fragile eecosystems and ensure the resiliency and well-being of our people, particularly the flood-prone communities in our province,” saad ng obispo.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,028 total reads

 16,028 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 33,736 total reads

 33,736 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 73,657 total reads

 73,657 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,784 total reads

 107,784 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,190 total reads

 164,190 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,534 total reads

 178,534 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top