Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inaanyahan sa Radyo Veritas Mary and the Eucharist exhibit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,559 total views

Inaanyayahan ng Radyo Veritas ang mga mananampalataya na dumalo sa Mary and the Eucharist Exhibit na gaganapin sa Fisher Mall, Quezon City mula Setyembre 3 hanggang 11, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria (September 8).

Ayon kay Fr. Roy Bellen, pangulo ng himpilan, mahalagang pagkakataon ang naturang exhibit upang mapagnilayan ang kahalagahan ng Eukaristiya sa tulong ng Mahal na Birheng Maria at mga banal.

“The Eucharist is an opportunity to deepen our faith, as Mary and the saints guide us by their example and intercession toward Christ, truly present in His Body and Blood. In this sacrament, we participate in the sacrifice that saved us and are united as one Church in His love,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng pari, napapanahon ang naturang gawain lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng mundo na hinahamon ng korapsyon, digmaan, at pagkakahati-hati ng lipunan.

“Amid the corruption, wars, and divisions that wound society today, we are called to seek refuge in the Eucharist — the summit of our faith and the unfailing source of healing, unity, and peace,” ani Fr. Bellen.

Layunin ng exhibit na isulong ang mas malalim na debosyon sa Banal na Eukaristiya at palakasin ang misyon ng Radyo Veritas bilang katuwang ng Simbahan sa pagsusulong ng new evangelization.

Tampok dito ang mahigit 100 imahe ng Mahal na Birheng Maria sa iba’t ibang titulo, gayundin ang mga banal na kilala sa kanilang debosyon sa Eukaristiya, kabilang sina Padre Pio, Blessed Carlo Acutis, at St. Tarcisius of Rome, at marami pang iba.

Maaaring bisitahin ng publiko ang Mary and the Eucharist Exhibit sa activity center ng Fisher Mall tuwing regular mall hours. Maaari ring magpatala ng mga mass intentions sa nasabing exhibit at maging Eucharistic Advocate ng himpilan. Ang lahat ng intensyon ay isasama sa mga misa ng Radyo Veritas araw-araw tuwing 6AM, 12NN, 6PM, at 12MN.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 42,366 total views

 42,366 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 88,089 total views

 88,089 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 90,299 total views

 90,299 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 162,144 total views

 162,144 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 171,557 total views

 171,557 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top