Mga gawain sa Season of Creation 2025, inilatag ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,599 total views

Naghanay ng iba’t ibang gawain ang Diyosesis ng San Pablo – Commission on Ecology bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Season of Creation 2025, na ginugunita mula unang araw ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre.

Kabilang sa mga inihandang programa ang lingguhang webinar, liturgical celebrations, at iba’t ibang ecological encounters na naglalayong isulong ang katarungan, kapayapaan, at pagmamahal sa kalikasan.

“The Diocese of San Pablo – Commission on Ecology invites everyone to journey with us in prayer, reflection, and action for our common home,” paanyaya ng komisyon.

Para sa unang linggo, gaganapin ang webinar na may paksang “Revisiting Laudato Si: Care for the Common Home and Its Implications on Ecological Disparity in Laguna” sa September 6, 2025, ganap na alas-7 ng gabi, na ibabahagi ni Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit, Rector and Parish Priest, Msgr. Jerry Bitoon.

Sa ikalawang Linggo, tatalakayin naman ang paksang “No to Ahunan Dam” sa isang online discussion sa September 13, 2025, alas-7 ng gabi, kasama si Bro. Danilo Francisco, chairman ng Committee on Justice and Peace and Integral Ecology of Laguna Economical Movement ng Diyosesis ng San Pablo.

Habang sa September 15 naman, magtitipon ang mga parokya ng diyosesis sa Ground Zero kung saan nakatakadang itayo ang Ahunan Dam, na susundan ng press conference.

Para sa ikatlong linggo, sa ilalim ng temang “Explore and Experience God and His creation in Pakil, Laguna,” magsisimula ang gawain sa Banal na Misa sa September 20, alas-7 ng umaga, na susundan ng Ahunan sa Ping-as pagsapit ng alas-8 ng umaga.

Sa parehong araw, gaganapin din ang webinar na may paksang “Care for Our Common Home: An Essential Part of Our Faith” at pagbabahagi ng Oikos 4S (Stewardship-Save-Segregate-Seed) Advocacy sa ganap na alas-7 ng gabi, na pangungunahan ni Bro. Jeffrey Corrales ng Couples for Christ Laguna.

Samantala, para sa ikaapat na linggo, tatalakayin ang paksa tungkol sa “Agriculture and Climate Change” na pangungunahan ni Laguna Provincial Agriculture Officer Mr. Marlon Tobias.

Alinsunod sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Leon XIV para sa World Day of Prayer for the Care of Creation 2025, umaasa ang Commission on Ecology ng diyosesis na ang lahat ay magtutulungan para sa sama-samang pagtatanim ng “binhi ng pag-asa at kapayapaan” para sa kapakanan ng inang kalikasan at ng mga susunod na henerasyon.

“Together, let us sow seeds of justice, peace, and love — nurturing creation and safeguarding the future of generations to come,” saad ng komisyon.

Tema ng Season of Creation ngayong taon ang “Peace with Creation” o Kapayapaan kasama ang Sangnilikha, na nagsusulong ng pagkakaisa, katarungan, at pananagutan ng tao bilang katiwala ng mundo sa gitna ng patuloy na krisis sa kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 36,699 total views

 36,699 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 121,458 total views

 121,458 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 138,918 total views

 138,918 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 183,614 total views

 183,614 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CGG, nababahala sa Senado

 1,620 total views

 1,620 total views Nagpahayag ng pagkabahala si Fr. Warren Puno sa mga kaganapan sa Senate of the Philippines sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng

Read More »
Scroll to Top