Mga kontraktor na hindi sumipot sa imbestigasyon ng Kamara, pinapa-subpoena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,594 total reads

Ipinag-utos ng House Infrastructure Committee (Infra-Comm) ang pag-isyu ng mga subpoena laban sa limang kontratista na hindi dumalo sa kasalukuyang imbestigasyon kaugnay sa iregularidad sa mga flood control projects sa bansa.

Kabilang sa mga kumpanyang pinasu-subpoena ay ang: Royal Crown Monarch Construction and Supplies Corporation; SYMS Construction Trading; Alpha and Omega General Contractor & Development Corporation; St. Timothy Construction Corporation (STCC); at Wawao Builders Corporation.

Ayon kay Infra-Comm lead Chair at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, na siya ring chair ng House Committee on Public Accounts panel, ang pag-isyu ng mga subpoena ay makaraang aprubahan ng mga miyembro at hindi tumugon ang mga kumpanyang pinadalhan ng notice to appear sa joint committee.

Ang Infra-Comm ay binubuo ng Committees on Public Accounts, Good Government and Public Accountability, at Public Works and Highways kung saan nakatutok ang imbestigasyon sa mga sinasabing ghost projects, substandard works, at kuwestiyonableng budget insertions sa mga flood-mitigation projects sa buong bansa.

Sa paunang pagsusuri, kabilang ang SYMS Construction Trading at Wawao Builders Corporation sa mga kumpanyang nabanggit na sa mga naunang ulat kaugnay ng ghost projects sa Bulacan, na ayon sa komite ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng dokumentaryo at sworn testimony.

Ipinahayag din sa iba pang ulat sa media ang Alpha and Omega General Contractor & Development Corporation at St. Timothy Construction Corporation, na napaulat na pag-aari ni Sarah Discaya, at kasalukuyang sinusuri ng Kongreso.

Ayon sa mga ulat, kabilang ang mga kumpanyang ito sa mga nakakuha ng malaking bahagi ng pondo para sa flood contro.

Bukod sa limang kumpanyang hindi sumipot sa pagdinig noong Martes dumalo ang lahat ng iba pang kontratista bilang resource persons.

Ayon sa komite, layunin ng pagdinig na ipakita nang malinaw kung paano ginagawa ang budget allocations mula sa National Expenditure Program (NEP) at bakit may ilang proyekto na hindi naipapatupad o substandard sa panahon ng budget execution.

“Ang laban sa iregularidad sa flood control ay laban para protektahan ang mamamayan at tiyakin na gumagana ang imprastruktura na naglalayong protektahan ang buhay at ari-arian,” ayon sa komite.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,079 total reads

 47,079 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,860 total reads

 126,859 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,306 total reads

 160,306 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,604 total reads

 195,604 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,330 total reads

 420,330 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 15,953 total reads

 15,953 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top