Pangulong BBM, nanawagan sa mga local officials na maging konsensiya laban sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,692 total reads

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na gampanan ang tungkulin bilang konsensiya, gabay, at tinig ng mamamayan upang bantayan ang mga maling gawi at kuwestiyonableng proyekto ng pamahalaan.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang, kasabay ng panunumpa sa mga bagong halal na opisyal ng League of Provinces of the Philippines (LPP), binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang matatag at tapat na pamumuno sa mga lalawigan upang wakasan ang maling nakasanayan sa pamahalaan.

“Kaya’t hinihikayat ko kayo: Paglingkuran natin nang buong katapatan ang sambayanan; tiyakin natin nasa wasto ang mga proyekto na ipinapatupad ng pambansang pamahalaan at ng lalawigan; at isiwalat natin kung may makikitang taliwas,” panawagan ni Marcos sa ginanap na oath taking ceremony ng mga opisyal ng LPP.

Ayon kay Marcos, nasa simula pa lamang ng laban ang pamahalaan at mahaba pa ang landas tungo sa ganap na pagbabago. Kailangan aniya ang aktibong pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan sa masusing pagsusuri at pagbabantay upang mailantad ang mga proyektong “nakakubli sa kadiliman.

Hinimok din niya ang mga opisyal ng LPP na maglingkod nang may buong katapatan, tiyakin ang wastong pagpapatupad ng mga proyekto ng pambansa at lokal na pamahalaan, at isiwalat ang anumang gawain o proyektong taliwas sa interes ng taumbayan.

Ang pera ng bayan ay hindi para sa pansariling kapakanan kundi para sa sambayanan,” giit ng Pangulo.

Ang panawagan ng Pangulo ay kasabay na rin ng kasalukuyang iregularidad sa mga flood control projects sa gobyerno kung saan hinihinalang sangkot hindi lamang ang mga contractor, at pulitiko kundi maging ang ilang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,571 total reads

 18,571 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 52,959 total reads

 52,959 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,441 total reads

 89,441 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,653 total reads

 107,653 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 191,018 total reads

 191,018 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top