Diocese of Assisi, inimbitahan ang lahat na tunghayan ang canonization ni BL Carlo Acutis via live streaming

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,549 total reads

Inaanyayahan ng Diocese of Assisi sa Italy ang lahat ng mananampalataya sa buong mundo na makibahagi sa makasaysayang Canonization ni Blessed Carlo Acutis sa darating na Setyembre 7 sa St. Peter’s Square, Vatican.

Ang buong seremonya ay mapapanood sa iba’t ibang live at broadcast platforms, kabilang ang mga screen na ilalagay sa loob ng Shrine of the Renunciation sa Assisi.

Sa opisyal na pahayag ng Diyosesis, binigyang-diin nito: “On the occasion of the canonization of Carlo Acutis, scheduled for Sunday, September 7th in St. Peter’s Square starting at 10:00 a.m., the Shrine of the Renunciation in Assisi will broadcast live from Rome on several screens located inside the Shrine.”

Bilang bahagi ng paghahanda, ipinaalala rin ng Diyosesis sa mga media personnel na ang Sala Vicari ng Bishops’ Palace sa Assisi ang magsisilbing headquarters para sa kanilang operasyon. Dagdag pa rito, hanggang Setyembre 6 ang huling araw ng aplikasyon para sa accreditation sa ilalim ng Social Communications Ministry.

Matapos ang canonization, magsisimula ang isang buwang serye ng thanksgiving masses simula Setyembre 8 sa Roma, na pangungunahan ni Cardinal Marcello Semeraro, Prefect of the Dicastery for the Causes of Saints. Sa parehong araw, gaganapin din ang isang misa sa Church of Santa Maria Maggiore sa Assisi sa pangunguna ni Bishop Domenico Sorrentino ng Diocese of Assisi – Nocera Umbra – Gualdo Tadino at Foligno.

Ayon sa pahayag: “On Monday, September 8th, the Mass of Thanksgiving presided over by the Bishop… will begin at 6:00 p.m. in the Church of Santa Maria Maggiore – Shrine of the Renunciation in Assisi.”

Ang mga misa ng pasasalamat ay magpapatuloy sa iba’t ibang simbahan sa Roma at Italy hanggang Oktubre 12, ang mismong kapistahan ni Blessed Carlo Acutis.

Matatandaang naantala ang canonization mula sa orihinal na petsa nitong Abril 27, 2025, bunsod ng pagpanaw ni Pope Francis noong Abril 21.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,113 total reads

 20,113 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,425 total reads

 54,425 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 90,907 total reads

 90,907 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,119 total reads

 109,119 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 192,380 total reads

 192,380 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 22,716 total reads

 22,716 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top