Sistematikong katiwalian sa pamahalaan, kinundena ng SJSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,735 total reads

Mariing kinondena ng Commission on the Social Apostolate of the Philippine Jesuits (Society of Jesus Social Apostolate – SJSA) ang sistematiko at malawakang katiwalian na patuloy na nagpapahirap sa sambayanang Pilipino.

Labis na ikinababahala ng grupo ang patuloy na pagkamkam sa budget ng pamahalaan na nauuwi lamang sa bulsa ng mga nasa kapangyarihan, habang pinapasan at unti-unti nitong kinikitil ang buhay ng mga mahihirap.

Binigyang-diin ng SJSA ang ulat ng World Bank, Asian Development Bank, at International Monetary Fund noong 2024 na tinatayang ₱2 trilyon kada taon ang nawawala sa pamahalaan dahil sa katiwalian, gayundin ang datos ni Senador Panfilo Lacson na halos ₱1 trilyon sa pondong inilaan sa flood control projects ay napunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal at kumpanya.

“Ito ang dahilan ng mga sub-standard o “ghost projects” na imprastruktura, na nagbunga ng higit na pagdurusa ng bayan lalo na ng mahihirap tuwing may ulan at pagbaha,” pahayag ng SJSA.
Nanawagan ang mga Heswita ng masusing imbestigasyon sa pamamagitan ng isang independent commission, dahil anila, hindi maaaring imbestigahan ng Kongreso ang sarili nito, at walang dapat na nakahihigit sa batas—pati na ang mga mambabatas.

Iginiit ng grupo na hindi lamang dapat limitado sa flood control projects ang imbestigasyon, kundi dapat ding masaklaw ang mga kagawarang matagal nang inuugnay sa katiwalian, tulad ng Bureau of Customs at Department of Education, gayundin ang paggamit ng confidential funds na naging “executive pork” sa mga nakalipas na taon.

Kabilang din sa kanilang panawagan ang pagpapatupad ng anti-political dynasty provision ng 1987 Constitution, pagsusuri sa party-list system, pagpasa ng Freedom of Information Act at Whistleblowers Act, at sapilitang publikasyon ng Statement of Assests, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng lahat ng opisyal.

“Tulad ng mungkahi ng maraming sektor, ang mga deliberasyon ng bicameral committee ng Kongreso—na responsable sa mga lihim na budget insertions na nagbigay-daan sa katiwaliang kinasangkutan ng [Department of Public Works and Highways]—ay dapat gawing bukas at malinaw sa publiko, at dapat ding bigyan ng puwang ang civil society sa komiteng ito,” dagdag ng SJSA.

Tiniyak naman ng SJSA na patuloy na tututukan ang usapin ng katiwalian at hinikayat ang mamamayan na manindigan para kinabukasan ng bayan at mga kabataan.
“Malalim at malawak na ang katiwalian sa ating lipunan… Maaaring mahaba ang landas na tatahakin, ngunit ang pagpapaliban sa paglalakbay na ito tungo sa paglilinis ay lalo lamang mag-uugat sa kasamaan at magdadala ng mas mabigat na pasanin sa ating sambayanan,” saad ng SJSA.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 36,440 total reads

 36,440 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 72,225 total reads

 72,225 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 126,059 total reads

 126,059 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 187,820 total reads

 187,820 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 255,560 total reads

 255,560 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 49,541 total reads

 49,541 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top