Walk Against Corruption, isasagawa ng Diocese of San Carlos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,761 total views

Magdadaos ng Walk Against Corruption ang Diocese of San Carlos bilang pakikiisa sa mga malawakang pagkilos at pag-apela sa pamahalaan na wakasan na ang korapsyon na pinapahirapan ang mga Pilipino.

Ito ay idadaos sa September 20, pasado Alas-tres ng hapon na magsisimula sa San Carlos Borromeo Cathedral Parish at kapaligiran ng nasasakupang bayan ng dambana sa Diocese of San Carlos.

Ayon sa Diyosesis, layunin nitong maiparating sa mga grupo, organisasyon at samahan na magdadaos ng malawakang pagtitipon ang pakikiisa para sa paninindigan sa laban sa korapsyon at katiwalian.

Ito ay matapos mabunyag sa pamahalaan ang mga maanomalyang imprastraktura at flood control projects ng Department of Public Works and Highways at pribadong sektor ng mga contractors.

Pangunahing magiging sigaw o apela sa gawain ang ‘NO TO CORRUPTION!, THOU SHALL NOT STEAL! PROTECT THE PEOPLE!’ dahil ang mga Pilipino, higit na ang mga mahihirap ang pangunahin o most vulnerable sector na naapektuhan ng mga pagbaha at suliranin na idinudulot ng katiwalian.

“๐Ÿ“ข ๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ธ ๐—”๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ฟ๐—ฟ๐˜‚๐—ฝ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป September 20, 2025 | 3:30 PM, ๐Ÿ“ Cathedral Ground- Around the City

We invite everyone to join this prayer walk as a public expression of our collective stand against corruption. Please wear a white shirt, bring placards, and together let us walk as one community in the call for justice and integrity. NO TO CORRUPTION! THOU SHALL NOT STEAL! PROTECT THE PEOPLE! Together, let us be a voice of hope, truth, and justice for our nation,” ayon sa paanyaya at mensahe ng Diocese of San Carlos.

Samanatala, itutuon ng youth environmentalists group na Panatang Luntian Coalition ang kanilang pagkilos sa Luneta Park sa Maynila sa temang BAHA SA LUNETA.

Ito ay upang bahain o punuin ang lugar ng mga kabataan at Pilipinong nakikiisa sa paninindigahn laban sa korapsyon at katiwalian sa pamahalaan ng mga lider na dapat ay inuuna ang kapakanan ng mga mamamayan.

Binubuo ito ng magkakaibang grupo ng kabataan na mula sa University of the Philippines, Dela Salle University at iba pang paaralan upang higit na masuportahan ang mga grupo at kinatawan ng simbahan na magdaraos ng pagkilos sa September 21.

“Fully endorsing the student-led protests are church leaders and veterans of the anti-dictatorship resistance and anti-corruption campaigns through the years: Bp. Gerardo Alminaza of the Diocese of San Carlos and Vice President of Caritas Philippines, Lawyer Tony La Vina, Sr. May John Mananzan of the Movement Against Tyranny, film director Joel Lamangan, former Pamantasan ng Lungsod ng Maynila president Noel Leyco, Mae Paner a.k.a. Juana Change, journalists Inday Espina Varona, Ma. Ceres P. Doyo, Neni Sta. Romana Cruz, and Paulynn Sicam, and former Bayan Muna Rep. Teddy Casino of the Bagong Alyansang Makabayan. (see attached unity call and statement and list of initial signatories to the Luneta event),” ayonsa mensahe ng Panatang Luntian Coalition.

Sa September 21 ay magdaraos ng ibat-ibang pagkilos na pinamagatang ‘A TRILLION PESO MARCH’ sa Luneta Park sa Maynila ang mga religous groups sa pangunguna ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at mga kaparian ng simbahan kasama ang iba pang progresibong grupo upang higit na kundenahin at ipinawagan ang pagbabago sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 12,490 total views

 12,490 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More ยป

VP Sara

 34,495 total views

 34,495 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More ยป

Itigil ang pagdanak ng dugo

 58,837 total views

 58,837 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.ย  Mahigit anim na raang residente

Read More ยป

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 82,845 total views

 82,845 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More ยป

Instrumento ng karahasan

 117,730 total views

 117,730 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More ยป

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top