Pagtatag ng Tree Park, isinusulong ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,684 total views

Ibinahagi ni Cebu Archbishop-designate Alberto Uy ang kahalagahan ng pagtatatag ng tree park bilang konkretong tugon sa pangangalaga ng kalikasan at pamana para sa mga susunod na henerasyon.

Ayon kay Archbishop Uy, ang pagkakaroon ng tree park ay may malaking ambag sa kapaligiran dahil nakatutulong ito sa pagpigil ng pagbaha, pagpapabuti ng kalidad ng hangin, at pagbibigay ng tahanan sa iba’t ibang uri ng hayop.

Kaugnay rin ito ng patuloy na pagsusulong ng arsobispo sa pagtatanim ng mga puno, at ng pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon.

“They will serve as natural defenses against the worsening effects of climate change,” pahayag ni Archbishop Uy.

Binanggit ni Arcbishop Uy ang benepisyo ng mga luntiang espasyo sa kalusugan at kapakanan ng tao, dahil nagbibigay ang mga ito ng pagkakataon para sa pamamahinga, paglilibang, at pagpapagaling.

Dagdag pa rito, maaari ring magsilbing living classroom ang tree park para sa mga bata at kabataan upang matuto tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.

Sinabi pa ni Archbishop Uy na nakikita rin ang potensyal ng ganitong uri ng espasyo na makatulong sa turismo at kabuhayan, habang pinagtitibay ang pagkakaisa ng simbahan, pamahalaan, paaralan, at iba pang organisasyon sa iisang layuning magtanim, mag-alaga, at mag-iwan ng mas luntiang pamana para sa mga susunod na salinlahi.

Aniya, ang proyektong ito ay hindi lamang simpleng inisyatiba sa kapaligiran kundi isang moral na tungkulin at pamana ng pag-ibig sa nag-iisang tahanan at sa kapwa.

“Every tree planted is a prayer for the future. Every park nurtured is a sign of our faith in life,” ayon kay Archbishop Uy.

Una nang kinilala ni Archbishop Uy ang Sikatunarra Tree Park Project ng lokal na pamahalaan ng Sikatuna, Bohol, na hango sa pangalan ng bayan at ng Narra—ang pambansang puno ng Pilipinas.

Layunin ng proyekto na magtanim ng daan-daang libong puno ng Narra sa mga bakanteng lupain ng bayan upang gawing malawak na tree park na magsisilbing sagisag ng pagkakaisa ng pamayanan at pagpapahalaga sa kalikasang bahagi ng kulturang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 78,655 total views

 78,655 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 96,555 total views

 96,555 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 143,121 total views

 143,121 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 130,102 total views

 130,102 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 145,681 total views

 145,681 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top