Dadalo sa Trillion Peso March, hinimok na makiisa muna sa banal na misa bago mag-rally

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,385 total views

Inaanyayahan ng pamunuan ng National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine ang publiko, lalo na ang mga dadalo sa “Trillion Peso March” sa darating na Setyembre 21, na makiisa muna sa pagdiriwang ng Banal na Misa bago lumahok sa kilos-protesta.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Rector ng EDSA Shrine at kasalukuyang minister ng Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila, mahalagang magsimula ang pagkilos sa pamamagitan ng pananalangin at pagkakaisa ng pamayanan.

“It is a Sunday. Our duty to God doesn’t cease when our duty to our country begins. Hence, I invite those who wish to join the rally to attend the twelve-noon mass at the Edsa Shrine before proceeding to the People Power Monument,” pahayag ni Fr. Secillano.

Ipinaliwanag ng pari na ang Misa ay nakatuon sa pagdarasal para sa katiwasayan, pag-asa, at kapayapaan ng bansa, at hindi bahagi ng protesta.

“We do not want the Mass, though, to have the tone of protest as it may alienate other people who only wish to pray in peace,” dagdag pa niya.

Pagkatapos ng Misa, magsisimula ang Trillion Peso March—isang malawakang pagkilos laban sa korapsyon at kawalan ng pananagutan sa pamahalaan.

Nakatakdang lumahok ang iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang na ang ilang lider-simbahan, upang ipanawagan ang katarungan at pagbabago.

Gaganapin ang pagtitipon sa EDSA People Power Monument sa Quezon City kasabay ng paggunita sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, isang makasaysayang paalala ng pang-aabuso ng kapangyarihan at ng pangangailangan para sa patuloy na pagbabantay laban sa katiwalian.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa sa pananampalataya at pagkilos, umaasa ang simbahan na mas magiging makabuluhan ang panawagan para sa malinis na pamahalaan at maayos na kinabukasan para sa sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 182,792 total views

 182,792 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 213,015 total views

 213,015 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 239,661 total views

 239,661 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 334,634 total views

 334,634 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 343,798 total views

 343,798 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top