Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa Migrants Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,356 total reads

Inaanyayahan ng Diocese of Novaliches ang mananampalataya na ipagdiwang ang National Migrants Sunday sa September 28.

Sinusugan sa liham circular ng Diocese of Novaliches ang pahayag ni Pope Leo XIV na ang mga migrant at refugees ay saksi ng pag-asa sa buhay na angkop sa tema ng paggunita na “Migrants, Missionaries of Hope”.

“Pope Leo XIV said that the ‘link between migration and hope is clearly evident in many contemporary experiencesof migration. Many Migrants, refugees and displaced persons are privileged witnesses of hope. Indeed, they demonstrate this daily through their resilience and trust in God,”ayon sa circular letter ng Diocese of Novaliches.

Sinabi ng Diyosesis na nararapat ding kilalanin ang mga Overseas Filipino Worker, Filipino Migrants at Seafarers upang mabigyan ng pansin ang kanilang mga sakripisyo para sa kanilang mga pamilya at para sa sa mga Pilipino.

Inihayag Father Roger Manalo – Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na ang pagidiriwang ngayong taon ay upang tugunan at mapalalim ang kaalaman ng mga Pilipino sa pangunahing suliranin ng mga Pilipinong migrante tulad ng kawalan ng legal na dokumento, panganib sa kanilang kalagayan, at mental health issues.

Ibinahagi din ni Fr.Manalo na maliit lamang ang porsyento ng mga migrante ang nakapagpundar ng negosyo o ari-arian kung kaya’t higit na kinakailangan ngayon ang patugon sa kanilang mga pangangailangan at pamilya.

““Ngayon pong National Migrants Sunday, kung titignan po natin yung National Migrants Sunday, na nagsimula noong March 1987, palagi po itong ginagawa dito sa RCAM (Roman Catholic Archdiocese of Manila) noong 2005 ay nagsimulang gawin sa iba’t ibang Diyosesis, so once a year po ito. Pero, since four years ago po, napag-isipan ko pong isuggest na sa halip na magkaroon ng isang celebration lang nationwide, kailangang dahil yung celebration sa bawat parokya sa buong Pilipinas,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Manalo sa programang Baranggay Simbayanan.

Taun-taon ginugunita ang Migrants Sunday sa mga parokya sa buong Pilipinas, kasabay ng World Day of Migrants and Refugees na itinatakda ng Vatican, upang ipanalangin ang mga OFWs, bigyang suporta ang kanilang pamilya at mapalaganap ang wastong kaalaan laban sa human trafficking at illegal recruitment.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,808 total reads

 44,808 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,690 total reads

 124,690 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,137 total reads

 158,137 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,435 total reads

 193,435 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,247 total reads

 418,247 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top