Transportation sector, nakahandang makipagtulungan sa simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,080 total reads

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) at Transport Reform Organization ng ALTMobility Philippines ang pagiging bukas para sa Simbahang Katolika upang higit na maisulong ang pagsasaayos ng transportation sector para sa mga Pilipino.

Ayon kay ALTMobility PH Director Patricia Mariano, ito ay dahil katulad ng kanilang isinusulong na dangal sa transportasyon ay nakaugat ang mga adbokasiya sa katuruan ng simbahan sa katarungang panlipunan upang mabigyan ng karangalan ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Sa pamamagitan nito, maaring magtulungan ang simbahang katolika sa Pilipinas at katulad nilang nagsusulong ng kapakanan ng mga Pilipino sa transportasyon upang malutasan na ang ibat-ibang suliranin na katulad ng mabigat na daloy ng trapiko at gayundin ang pagkalugi o kahirapang idinudulot ng mga suliranin sa transport sector.

“A lot of Catholic Church Teaching is also about social justice and for me transport is really an enabler when done well, when done poorly it holds us back, it perpuates a cycle of poverty, and so we would really appreciate the church’s help to amplify the messages that we’ve hear today, the importance of involving everyone, the importance of focusing on the most vulnerable road users when we plan our streets, the importance considering just transition when we say we want to modernize say public transportation, or really also the institutional frameworks that govern. we all have roles to play and I feel like the catholic church is also in a good position bring the people together,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Mariano.

Kinilala naman ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor ang pakikiisa ng iba’t-ibang sektor at iginiit na kinakailangan ang mga panalangin at paggabay ng simbahan para sa pamahalaan at sektor ng transportasyon.

Ito ay upang magkaroon ng gabay ang mga opisyal sa maayos na pamamahala sa sektor ng transportasyon.

“Una sa lahat, we need the prayers of everyone, we need the prayers of our supporters from the private sector especially sa Veritas, kailangan natin ng tulong sa lahat ngayon, dahil mabigat ngayon dahil mabigat yung pinagdadaanan sa gobyerno, kami naman ay gusto lang namin maroll-out ng mabilis, at sana tangkilikin din yung mga infrastracture na dine-develop natin partikular dito sa active transport, gusto natin mas marami sana mag-bisikleta, mas marami maglakad para bukod sa nagagamit na ito bilang another mode of transportation, mas malusog pa tayo,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Undersecretary Pastor.

Inihayag ng namayapang Pope Francis na tungkulin ng mga lider ng bansa na tiyaking nasa maayos ang kani-kanilang mga transporatation sector upang maisulong ang katarungang panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,060 total reads

 77,060 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,801 total reads

 111,801 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,101 total reads

 147,101 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,370 total reads

 373,370 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,595 total reads

 262,595 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top