Pangulo ng CBCP, kinontra si Vice Ganda sa panawagang ibalik ang parusang kamatayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,009 total reads

Nagpahayag ng pasasalamat si Kaloocan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kay TV personality at komedyanteng si Vice Ganda sa kanyang paninindigan laban sa katiwalian.

Gayunman, nilinaw ng Kardinal na hindi siya sang-ayon sa panawagan para ibalik ang parusang kamatayan, lalo na laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Cardinal David, nauunawaan niya ang galit ng publiko at ang sigaw para sa pananagutan. Subalit, iginiit na ang pagtutol ng Simbahang Katolika sa death penalty ay nakaugat sa katotohanang kadalasang mahihirap ang napaparusahan, samantalang ang mayayaman ay hindi napapanagot.

“I understand the outrage and the demand for serious accountability. But the Church’s opposition to capital punishment is rooted in this reality: in practice, it is almost always the poor who end up executed, while the wealthy escape. Those with money can buy the best legal defense, delay trials indefinitely, or manipulate the system. The defenseless and powerless have no such protection,” ayon sa pahayag ni Cardinal David sa kanyang facebook post.

Paliwanag ng Kardinal, ang mga may pera ay may kakayahang kumuha ng pinakamagaling na abogado, pahabain ang paglilitis, at manipulahin ang sistema habang ang mahihirap at walang kakayahan ay walang proteksyong katulad nito.

Binalikan din ni Cardinal David ang kasaysayan, kung saan madalas ginagamit ang batas bilang sandata ng mga makapangyarihan. Aniya, maging si San Juan Bautista at si Hesus ay mabilis na nahatulan ng kamatayan, habang ang mga tunay na salarin ay nakaligtas.

Dagdag pa ng opisyal ng simbahan; ”History, too, warns us: the law is often weaponized by those in power. Remember how both St. John the Baptist and Jesus were swiftly condemned to death, while the truly guilty walked away unpunished.That’s why the answer to corruption cannot be more death, but a deeper reform of justice — one that protects the poor and holds the powerful accountable”.

Binigyang-diin niya na ang sagot sa korapsyon ay hindi karagdagang kamatayan, kundi mas malalim na reporma sa sistemang pangkaturangan—isang sistemang tunay na magtatanggol sa mahihirap at mananagot ang makapangyarihan.

Ang pahayag ay kaugnay na rin sa isinagawang Trillion Peso March sa Edsa People Power Monument kung saan nanindindan ang may isang daang libong mamamayan laban sa katiwalian at pagpapanagot sa mga sangkot sa anomalya, partikular ang mga ghost at substandard flood control projects ng Departmenf of Public Works and Highways.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 93,868 total reads

 93,868 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 187,898 total reads

 187,898 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 232,166 total reads

 232,166 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 255,275 total reads

 255,275 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 326,120 total reads

 326,120 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top