Mga parokyang apektado ng super typhoon Nando, inabisuhang mag-alay ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,744 total reads

Nanawagan ang Archdiocese of Tuguegarao sa lahat ng parokyang apektado ng Super Typhoon Nando na agad na magpatupad ng espirituwal at praktikal na paghahanda bilang tugon sa banta ng matinding ulan, malakas na hangin, at malawakang pinsala na maaaring idulot ng bagyo.

Sa inilabas na abiso ng Tuguegarao Archdiocesan Social Action Center, hinimok ang mga parokya na mag-alay ng natatanging panalangin sa lahat ng misa, at anyayahan ang mga pamilya na magdasal ng Santo Rosaryo at hilingin ang patnubay ng Mahal na Birheng Maria.

“We urge immediate and prayerful action as forecasts indicate that the storm may bring severe winds, heavy rainfall, and widespread disruption. As stewards of life and community, let us respond with wisdom, compassion, and readiness,” ayon sa SAC Tuguegarao.

Kasabay nito, inatasan ang mga parokya na tiyaking ligtas ang mga gusali, kapilya, at mission stations para sa posibleng evacuation area, gayundin ang mga kagamitang pangliturhiya at dokumento.

Iminungkahi rin ng SAC Tuguegarao ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay para sa paglikas at pagtulong sa evacuees, kasabay nito ang pagbabantay sa mga mahihinang sektor tulad ng matatanda, maysakit, at mga nakatira sa mapanganib na lugar.

Hinihikayat din ang mga parokya na maghanda ng relief goods at pagkilos ng mga volunteer para sa post-typhoon assistance.

Bahagi rin ng paghahanda ang pansamantalang pagsuspinde o pag-reschedule ng mga panlabas na gawaing may kaugnayan sa liturhiya, at pagtitiyak sa kaligtasan ng mga pari, lay ministers, at parish workers.

“Let us remember: our faith calls us to protect life, care for one another, and act with courage. May our parishes be places of refuge, hope, and healing in this time of trial,” ayon sa SAC Tuguegarao.

Ipinaubaya naman ng arkidiyosesis ang buong pamayanan sa habag ng Diyos at sa pamamatnubay ng Mahal na Birhen ng Piat.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na lumalakas ang Super Typhoon Nando na huling namataan ang sentro 180 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin sa 215 km/h at pagbugsong aabot sa 265 km/h.

Nakataas ngayon ang Wind Signal no. 5 sa hilaga at gitnang bahagi ng Babuyan Island; Signal No. 4 sa timog-silangang bahagi ng Batanes, nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, hilagang-silangan at hilagang kanluran ng mainland Cagayan, at hilagang bahagi ng Ilocos Norte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 91,851 total reads

 91,851 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 185,881 total reads

 185,881 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 230,149 total reads

 230,149 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 253,258 total reads

 253,258 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 324,213 total reads

 324,213 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,288 total reads

 147,288 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top