Huwag gawing normal ang kultura ng corruption, paalala ni Bishop Pabillo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,854 total reads

Umapela si Taytay Bishop Broderick Pabillo, chairperson ng CBCP Office on Stewardship, sa mga Pilipino na huwag gawing normal ang kultura ng korapsyon na patuloy na sumisira sa lipunan at naglalagay sa alanganin sa buhay ng mamamayan.

Sa kanyang pastoral na liham, binigyang-diin ng obispo na malinaw na ang katiwalian ay hindi kailanman katanggap-tanggap.

“Huwag nating tanggapin na kalakaran na ang korapsyon — ito ay pagnanakaw sa buwis ng taumbayan,” ani Bishop Pabillo.

Binigyang diin ng obispo na ang pondo ng bayan ay dapat nakalaan sa mga pangunahing serbisyo tulad ng ospital, maayos na kalsada, tubig, at kuryente—ngunit nananatiling kulang dahil sa maling paggamit at pamumulitika.

Sa kanyang mga pastoral visit sa malalayong lugar ng Northern Palawan, personal nasaksihan ng obispo ang mga pamayanang walang sapat na pasilidad at hindi nabibigyan ng tamang atensyon ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, hindi magiging maayos ang takbo ng pamahalaan kung ang mga nasa puwesto ay nakuha lamang ang kanilang kapangyarihan sa pamimili ng boto.

Mariin ding kinondena ng obispo ang tinatawag na SOP o “Standard Operating Procedure” sa mga proyekto at programa ng gobyerno na aniya’y malinaw na gawain ng kasamaan.

Binigyang-diin din ni Pabillo ang panganib ng political dynasty na nagpapalala ng sistematikong korapsyon sa bansa.

“Kung gusto nating mabawasan ang korapsyon, huwag na tayong bumoto ng mga magkamag-anak,” giit ng obispo.

Kaugnay nito, tinukoy ng obispo ang Trillion Peso March na isinagawa noong Setyembre 21 bilang patunay ng pagkakaisa ng taumbayan laban sa katiwalian.

“Magbabago ang bansa kung mawawala ang korapsyon — dapat singilin ang mga namumuno,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Samantala, kasalukuyang iniimbestigahan ng Kongreso ang multibillion-peso ghost at substandard flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), gayundin ang mga bilyong pisong insertions ng mga mambabatas sa national budget.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 91,571 total reads

 91,571 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 168,806 total reads

 168,806 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,254 total reads

 202,254 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 237,553 total reads

 237,553 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 460,509 total reads

 460,509 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top