Donasyon na sasakyan ni Alcantara, isasauli ng National Shrine of Our Lady of Salambao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,909 total views

Inihayag ng National Shrine of Our Lady of Salambao – San Pascual Baylon Parish sa Obando, Bulacan na isasauli nito ang sasakyang ipinagkaloob ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) First District Engineer Henry Alcantara, bago masangkot sa imbestigasyon ng katiwalian.

Ayon sa pamunuan ng dambana, tinanggap nila ang Nissan Navara pick-up noong Hunyo 2024 “in good faith” upang magamit sa pilgrimage o pagdalaw ng imahen ng Mahal na Birhen ng Salambao sa iba’t ibang parokya.

“Gayunman, dahil sa mga lumabas na ulat at akusasyon ng katiwalian laban kay G. Henry Alcantara… napagkasunduan naming isauli ang naturang donasyon,” pahayag ng Sangguniang Pastoral ng parokya.

Kumikilos na ang dambana upang maibalik ang sasakyan sa wastong paraan at sa pamamagitan ng angkop na legal na proseso, alinsunod sa tagubilin ng Diocese of Malolos at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Humingi rin ng paumanhin ang parokya sa publiko sa anumang alalahaning dulot ng donasyon.

“Kung sakaling ito ay nakapagdulot ng alalahanin sa Simbahan at sa sambayanan, kami po ay humihingi ng paumanhin at pinaninindigan namin ang tunay na pagpapahalaga sa katarungan at kung ano ang tama,” dagdag ng pahayag.

Si Alcantara, tubong Bocaue, Bulacan, ay itinalaga bilang district engineer ng first engineering district ng lalawigan noong 2019 sa ilalim ng noo’y DPWH Secretary at ngayo’y Senador Mark Villar.

Kasalukuyan siyang iniimbestigahan kaugnay sa multibillion-peso ghost at substandard flood control projects sa Bulacan, kung saan sinasabing sangkot din ang ilang halal na opisyal ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,906 total views

 62,906 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,775 total views

 58,775 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,977 total views

 94,977 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,138 total views

 103,138 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,211 total views

 127,211 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top