Mga Pilipino, hinimok ng mga lider ng simbahan na palakasin ang boses laban sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,762 total reads

Pinaalala ng mga lider ng simbahang katolika sa Pilipinas na paigtingin ang pagkakaisa upang hindi humina ang boses ng mga Pilipinong sawang-sawa na sa nararanasang pasakit dulot ng katiwalian sa lipunan.

Ito ang mensahe nina Kalookan Bishop Pabilo Virgilio Cardinal David at Cubao Bishop Elias Ayuban Jr sa isinagawang Trillion Pesos March sa EDSA.

Ayon kay Cardinal David, sa pagkakaisa ng mga Pilipino ay lalong mapapalakas ang boses na labanan ang korapsyon kasama ang pakikiisa ng mga lider ng simbahan.

“Ito ay isang very strong statement sa ating pamahalaan na sawang-sawa na tayo sa katiwalian, palakasin naman natin ang ating demokrasya alang-alang sa kinabukasan ng ating mga kabataan. We deserve something better. Hindi totoong mahirap ang Pilipinas. Mayaman ang Pilipinas, pero mahirap ang mga Pilipino. Iyun ang isang malaking kabalintunaan na dapat matapos na. So ito po ay statement natin na we deserve a better government,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Cardinal David sa Trillion Peso March.

Positibo naman si Bishop Ayuban na ang pagkilos ay lalung nagpagising sa kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa mga anomalya sa pamahalaan na bagamat madalas nangyayari ay nakakalimutan at napapalagpas lamang.

Ipinaalala ni Bishop Ayuban sa mga Pilipino ang ika-pitong utos ng panginoon na “Huwag kang Magnakaw” na binalewala ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Hinamon ng Obispo ang mamamayang Pilipino na iparinig sa buong sambayanan ang panawagan ng katarungan at pananagutan ng mga sangkot sa anumalya sa flood control projects.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 69,328 total reads

 69,328 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 117,540 total reads

 117,539 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 165,410 total reads

 165,410 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 269,355 total reads

 269,355 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 352,198 total reads

 352,198 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top