Corruption kills, paninindigan ng CMSP-JPICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,355 total reads

Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) na ang malawakang korapsyon sa bansa ay nakamamatay at hindi na dapat ipagwalang-bahala.

Sa Misa ng Bayan noong September 26 sa Religious of the Good Shepherd Convent na pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF, iginiit ng grupo na malalim na ang sugat na idinudulot ng katiwalian at kinakailangang manindigan ang simbahan at mamamayan.

“Corruption kills—it destroys lives, weakens institutions, and mocks the common good. The wounds of our nation are deep, inflicted by corruption, greed, and betrayal of the people’s trust,” ayon sa pahayag ng CMSP–JPICC.

Binatikos ng grupo ang mga iregularidad sa multibillion-peso flood control projects at ang hindi maipaliwanag na confidential funds ng ilang matataas na opisyal.

Inihayag ng grupo na ang pondong nakalaan para sa kaligtasan at kabutihan ng mamamayan ay nagiging kasangkapan ng kasakiman at pagtataksil sa bayan.

“We proclaim before God and the nation that public resources must serve the people, not enrich the powerful. What was intended to protect our people has too often been twisted into opportunities for corruption, leaving the poor abandoned in times of disaster and the nation robbed of trust,” dagdag ng CMSP–JPICC.

Ginunita rin sa misa ang ika-16 anibersaryo ng Bagyong Ondoy, ang pagbaha noong 2009 na kumitil ng mahigit 400 buhay.

Ayon sa grupo, bagama’t lumipas na ang maraming taon, ang bansa ay muling “binabaha”—hindi ng tubig kundi ng korapsyon sa pamahalaan.

Nanindigan ang CMSP–JPICC na bilang mga relihiyoso, hindi sila maaaring manahimik sa harap ng matinding suliranin ng lipunan.

“As consecrated persons, our silence would make us complicit. Our vows to poverty, chastity, and obedience are not escapes from the world’s problems but a radical commitment to the Gospel, which commands us to defend the poor, the excluded, and the oppressed,” anila.

Binigyang-diin ng grupo na ang Misa ng Bayan ay hindi lamang pagsamba kundi isang malinaw na pahayag ng pagtutol laban sa katiwalian.

Sa paggunita ng Taon ng Hubileyo, nanawagan ang CMSP–JPICC ng sabayang pagkilos upang managot ang mga tiwaling lider at muling ibalik ang tiwala sa pamahalaan.

“In this Year of Hope, we affirm: hope is not naïve optimism. It is resistance. It is indignation transformed into action. True hope denounces lies, unmasks injustice, and insists that a new dawn is possible,” ayon sa kanilang pahayag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 10,844 total reads

 10,844 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 98,326 total reads

 98,326 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 145,066 total reads

 145,066 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 192,938 total reads

 192,938 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 296,532 total reads

 296,532 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top