Radio Veritas, kinilala ng Pro-Life Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,166 total views

Nanindigan ang Pro-life Philippines na mahalagang mapangalagaan ang pamilya, ang pinakamaliit na yunit ng lipunan, ngunit may malaking tungkulin sa paghubog ng mamamayan.

Sa ika-50 anibersaryo ng organisasyon, binigyang-diin ni Pro-life President Bernard Cañaberal na sa pamilya nagsisimula ang paghubog ng isang tao upang maging maayos na kasapi ng lipunan.

“If the family crumbles, we crumble our society. The strength of society, of government, of education, and even the church, is the strength coming from the family,” pahayag ni Cañaberal sa Radyo Veritas.

Sinabi ni Cañaberal na paiigtingin ng Pro-life ang mga gawain upang itaguyod ang kahalagahan ng buhay at pamilya na nagdudulot ng isang maayos na lipunan.

Aniya, ang mga kasalukuyang suliranin ng bansa, tulad ng malawakang korapsyon, ay mapipigilan kung mayroong tamang paghuhubog ang isang indibidwal sa loob ng pamilya sa tulong ng pananampalataya at pamamatnubay ng Panginoon.

Ikinalungkot ni Cañaberal ang tila unti-unting pagbabago sa kahulugan ng pamilya, tulad ng pagsusulong ng same-sex marriage, diborsyo, at aborsyon, na makasisira sa pundasyon ng pamilya.

“Nakalulungkot at nakakatakot na ang pamilya natin, unti-unting nag-iiba ng definition at sa pag-iibang ito, nagkakaroon tayo ng panibagong sistema at pananaw sa pamilya,” giit ni Cañaberal.

Dahil dito, umapela si Cañaberal sa mamamayan na muling ibalik ang tradisyon ng pamilyang Pilipino, kung saan ang bawat isa ay sama-samang nagdarasal, lalo na ng Santo Rosaryo, kung saan kaisa ang Mahal na Birhen sa pananalangin.

“Sabi nga natin, you are blessed with a blessing, so continue to be one and continue to pray. The family that prays together stays together,” aniya.

Ginanap ang ika-50 taon ng Pro-life Philippines sa Valle Verde Country Club sa Pasig City, kung saan ginawaran ng pagkilala ang mga indibidwal, institusyon, at organisasyon na katuwang ng Pro-life sa pagpapalaganap ng kanilang adbokasiya na isulong ang kahalagahan at dignidad ng buhay at pamilya.

Kabilang sa mga kinilala ang Radyo Veritas, na katuwang ng organisasyon sa pagpapalaganap ng kanilang mga gawain sa lipunan.

Inalala rin sa pagdiriwang ang buhay ni Sr. Mary Pilar Verzosa, RGS, na nagtatag ng organisasyon noong 1975 bilang bahagi ng kanyang gawain sa Good Shepherd Maternity Home.
Layunin ng Pro-life Philippines na isulong ang paggalang at pangangalaga sa buhay mula sa sinapupunan hanggang sa natural na kamatayan. Misyon nito na maging kaisa sa pagbuo ng lipunang may paggalang at pagpapahalaga sa buhay ng tao.
Kabilang sa mga programa ng Pro-life Philippines ang:
– Political and Legislative Lobby of Advocacy
– Pregnancy Counseling Centers
– Networking and Information
– Sectoral and Grassroots Organizing
– Library and Resource Center
– Radio and Television Programs
– Intensive Pro-life Education and Training Programs, kabilang ang Basic Pro-life Orientation Seminar, Teen Sexuality Training Workshop, Pro-life Lecture Series, at Pro-life Intensive Faculty Education (Pro-LIFE) Course.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 21,652 total views

 21,652 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 72,336 total views

 72,336 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 78,465 total views

 78,465 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 107,877 total views

 107,877 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 125,454 total views

 125,454 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top