Wall of Hope para sa OFW’s, Filipino migrants at seafarers, inilunsad ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,121 total views

Pinaigting ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants ang Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pakikiisa sa mga Overseas Filipino Workers, Filipino Migrants at Seafarers sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga WALL OF HOPE sa ibat-ibang diyosesis sa Pilipinas.

Ito ay mensahe at pakikiisa ng mga Pilipino sa sektor hinggil sa kinakailangang pagkalinga sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat at naiwang pamilya sa Pilipinas.

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, ito ay paalala din sa mahalagang gampanin ng mga Pilipino sa buong mundo na ipalaganap ang pananampalataya kasabay ng paghahanapbuhay para sa pamilya at paglago ng ekonomiya ng bansa.

“Ang mga Pilipino makikita mo sa buong parte ng daigdig kahit sa pinaka-kasuluksulukan, maganda po ito, makikita bakit nga po sila ay Missionaries of Hope at tinutukoy ko dito yung mga Pilipinong Migrante, kahit san po kayo magtanong, lalo na sa bandang West, ang bumubuhay sa mga parokya doon ay mga Pilipino,” mensahe ni Bishop Vergarsa sa Launching ng Wall of Hope sa Diocese of Pasig.

Inaanyayahan ng Obispo ang mga Pilipino na isabuhay ang tema ng National Migrants Sunday na ‘Migrants: Missionaries of Hope’.

“Pag sinabi pong ‘Migrants Missionaries of Hope’ kasama po tayo diyan, sana maging instrumento tayo ng pag-asa sa bawat isa at makita din natin na sila, ang ating mga migrante, ang nagiging instrumento ng pag-asa sa buong mundo at magpasalamat tayo sa diyos dahil ang ating contribution po sa mundo ngayon lalo na ang ating mga migrante ay ang ating pananalig sa Diyos, dahil sa pananampalataya marami ring natatangay o nahahawa at nagkakaroon ng pagpapanibago sa kanilang pananampalataya sa

Panginoong Hesukristo salamat po,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Vergara.

Ang Wall of Hope ay pagpapatibay ng CBCP-ECMI sa pagkalinga sa sektor ng mga Filipino Migrants, OFW at Filipino Seafarers.

Inilunsad ito sa pagdiriwang ng simbahang katolika ng Pilipinas sa 39th National Migrants Sunday bilang pakikiiisa at pagkilala sa sektor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 7,042 total views

 7,042 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 77,154 total views

 77,154 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 151,768 total views

 151,768 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 231,847 total views

 231,847 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 274,955 total views

 274,955 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 197 total views

 197 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top