Kabutihan at kaligtasan ng mga mamamahayag, ipinagdarasal ng pangulo ng Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,255 total reads

Ipinanalangin ni Radyo Veritas President at National Shrine of Sacred Heart of Jesus Team Ministry Member Father Roy Bellen ang kaligtasan at kabutihan ng mga mamamahayag.

Dalangin ng pari ang maayos at ligtas na pagganap ng mga mamamahayag sa kanilang trabaho sa pagdiriwang ng World News Day na ginugunita tuwing September 28 sa buong mundo

Sa kapistahan ng mga Arkanghel ngayon araw, hiniling ng Pari sa panginoon na gabayan ang mga mamamahayag at panatilihin silang ligtas tuwing nasa trabaho.
Ipinaalala naman ng Pari sa mga mamamahayag na huwag kalimutang magdasal at humugot ng lakas sa panginoon.

“Ipinapanalangin ko ang kaligtasan niyo at nawa sa kabila po ng paglaganap ng mga hindi magandang balita, hindi magandang karanasan, tayo po ay humugot ng lakas sa ating Panginoon, sapagkat ang Panginoon po ay ang bukal ng lahat ng katotohanan at gayundin po ang bukal ng proteksyon para sa atin, kaya ang akin lang pong paalala sa ating mga mamamahayag, huwag kayong makakalimot magdasal, manalangin po tayo dahil ang atin pong kaligtasan ay sa pamamagitan po ng atin Panginooon, at gayundin po sa mga anghel na kaniyang isinusugo para tayo ay gabayan at proteksyunan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.

Bukod sa mga mamamahayag, hinimok din ni Fr.Bellen ang mga Pilipino na mag-ingat sa pagbabahagi ng impormasyon sa kapwa lalu na sa social media platforms na pagsisimulan ng hindi pagkakaunawaan at pagkawatak-watak.

Umaasa ang pari na magiging responsable ang lahat sa pagbabahagi ng iba’t-ibang impormasyon partikular na ang fake news.

“Ang bawat isa po sa atin ay inaasahan na makapagbahagi ng balita, ng mabuting balita, ng totoong balita, at ng tamang balita. Kaya ‘yung pag-share at pagpapakalat ng fake news, ingat po tayo diyan. Baka imbes na tayo ay nakakatulong upang magabayan ang tao na makapag-decide ng tama, ay lalo pang mapahamak po dahil mali ang nasagap na balita na sa atin mismo nanggagaling at atin pong ibinabahagi, kaya ngayong mga panahon na ito, ang bawat taong may social media—whether you like it or not—kayo din po ay tagapagpakalat ng balita. Ang tanong lang po, ito ba ay tamang balita o fake news? Kaya maging mapanuri po tayong lahat. Muli, sa ating lahat, ‘yun po ang nais ipaalala: ang bawat isa sa atin ay tagapaghatid po ng balita,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Bellen.

Taong 2017 nang simulan ng World Editors Forum ng World Association of News Publishers katuwang sina David Walmsley, Editor-in-Chief ng The Globe and Mail sa Canada at ang Canadian Journalism Foundation (CJF) ang World News Day na layuning ipakita ang kahalagahan ng matatag na pamamahayag at kung paano nakatutulong sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit sa 500 newsroom mula sa iba’t ibang bansa ang nakibahagi sa World News day na nagsusulong ng matapat na pamamahayag, katotohanan, kasaysayan at matatag na lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,973 total reads

 73,973 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,053 total reads

 109,053 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,353 total reads

 144,353 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,622 total reads

 370,622 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,981 total reads

 259,981 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top